MADALING araw ay ginising ni Stella si Glenn at pinalipat sa kuwarto nito. Tinanghali na siya ng gising at tuloy naglaba. Malamang ay tulog pa rin si Glenn sa mga oras na ‘yon. Nasa laundry siya nang matunton siya roon ni Carlo. “Puwede ka bang maabala sandali?” anito. Nagbabanlaw siya ng mga nasabong labahan. Isinama na niya roon ang bed sheet na namantsahan ng dugo. “Sige lang,” aniya. “Hindi pa kasi lumalabas ng kuwarto niya si Glenn. At saka kagabi nang tingnan ko siya sa CCTV, wala siya sa kuwarto. Alam mo ba kung saan siya nagpunta?” Bigla siyang kinabahan. “Uh, baka sa gym.” “Pero na-review ko ang CCTV, bumalik din siya ng madaling araw. Ngayon, tulog pa.” “Baka nag-enjoy sa gym kasi bagong lipat at malapit na sa kuwarto niya.” “Oo nga ano. Kinabahan ako baka may kalokohang

