PAGDATING sa mansiyon ay matamlay pa rin si Glenn. Sinamahan ito ni Stella sa kuwarto at inayos ang pinamiling damit nito. Kailangan pa itong labhan kaya inipon niya sa basket. Nakaluklok lang sa couch si Glenn at nanonood ng telebisyon. Nang matapos ang ginagawa niya ay nilapitan niya ito at umupo sa couch sa gawing kaliwa nito. Ayaw niyang dumikit dito, at gusto niya na maobserbahan ang kilos nito. “Are you okay?” tanong niya rito. Sinipat siya nito, matipid na ngumiti. “I don’t know what happened. You said, the little boy didn’t bleed, right?” anito. “Yes, because he didn’t hurt.” “But I saw blood on his forehead and nose!” giit nito, pumihit paharap sa kaniya. “Tell me, what you saw during the incident?” Umalon ang dibdib ni Glenn; his hands were clutching each other. “I-I saw

