Chapter 5

2384 Words
NAIBSAN ang kaba ni Stella nang maasikaso ng doktor si Glenn. Kumalma rin ang katawan nito matapos maturukan ng gamot. Dumating din si Dr. Laurel at pinakabitan ulit ng aparatos ang parte ng ulo ni Glenn. Hindi siya makaalis-alis dahil sa pag-aalala sa binata. Ayaw rin siyang paalisin ni Dr. Laurel dahil gusto siyang makausap “Okay na po ba si Glenn?” tanong niya sa doktor nang hindi na ito busy. “For now, we need to do the MRI examination to make sure that his organs and nerves function properly,” anito. “Bakit po siya nagdeliryo?” usisa niya. “Madalas itong mangyari sa kaniya sa tuwing napi-pressure ang utak at emotions. Since he doesn’t know how to control his emotions, his body could not react appropriately.” “Ibig sabihin matatagalan pa bago siya makalabas dito?” “Hm, we will find out once the MRI had done on him. But please, don’t leave. I need you to stay here until Glenn wakes up.” “Okay, Doc. Hindi na muna ako uuwi.” “Thank you for staying here, Stella.” Ngumiti lang siya. Pagkatapos ng physical examination kay Glenn ay inilipat na ito sa laboratory kung saan din ito isasalang sa MRI. She knows a lot of laboratory equipment and machines used for body examination. MRI means magnetic resonance imaging. Makikita rito ang functions ng mga organ, buong katawan at malalaman kung merong problema. Isa ito sa pinakamahal na proseso. Naghintay lang siya sa recovery room kasama si Carlo. Nililigpit nito ang mga aparatos na ginamit ng doktor. “Sa palagay mo ba magiging normal pa ang katawan ni Glenn?” hindi natimping tanong niya kay Carlo. Kumibit-balikat ito. “Ang totoo hindi ko alam. Basic details lang ang ibinigay sa akin ng doktor. Hindi karaniwang pasyente si Glenn na may common na sakit. Nagkaroon ng abnormality sa nerves niya dahil sa virus. Kaya apektado nito ang buong katawan.” “Pero may changes naman simula noong nagkamalay siya, hindi ba?” “Oo. Actually, scary siya noong una,” amuse na sabi ni Carlo. Lumuklok siya sa couch at seryosong pinagmamasdan si Carlo. “Paanong scary?” curious niyang tanong. “Napanood mo ba ‘yong movie na Frankenstein?” tanong nito. “Oo, iyong nag-assemble ang scientist ng katawan mula sa body parts ng iba-ibang patay na tao.” Carlo giggled. “Parang ganoon gumalaw si Glenn noon. Epekto iyon ng pinagsama-samang organs mula sa iba-ibang healthy na tao. Since naging compatible naman lahat ng organs, naging normal din siya makalipas ang maprosesong trabaho ng mga eksperto. Kaya hindi na siya ang original na Glenn Laurel.” “I see.” Kinilabutan siya sa naisip. Kung tutuusin ay hindi na talaga normal si Glenn. Ayon sa kaniyang ama, ang ibang buto sa katawan ni Glenn ay pinalitan ng cobalt-chromium alloys and stainless steel. “Parang cyborg na rin siya na may implanted DNA,” komento. “Parang ganoon na nga. Pero ang kagandahan sa kaniya, normal pa ring tao dahil hindi machine ang tumutulong sa paggana ng katawan niya. Naka-survive ang utak niya kahit na-drain ang memory.” “Mas madali sana kung karaniwang amnesia lang ang nangyari.” “Hm, ibang kaso ng pagkalimot ang nangyari kay Glenn. As in prang newborn baby siya. Mabuti high-tech ang teknolohiya ngayon. Natulungan si Glenn na mapabilis ang pag-absorb ng bagong memories niya. Kaso pumalpak ang unang session niya.” She sighed when pressure strike her system. Pero naniniwala siya sa kaniyang kakayahan na matutulungan ang normal development ni Glenn. Hahabaan pa niya ang pasensiya. Gumala muna si Stella habang hindi pa binabalik sa recovery room si Glenn. Ilang minuto na lang ay lunch break na. Nagbabaon ng tanghalian ang papa niya kaya hindi na ito umuuwi. Meron din naman siyang baon na pagkain. May mga area sa institute na restricted, meron din namang open for guest and employees. Noong nagtatrabaho siya roon, iilang pasilidad lang ang napasok niya. May pitong palapag ang institute. Meron din itong underground para sa maselang pag-aaral ng mga scientist. May mga delikadong chemical na ginagamit ang mga ito na hindi maaring ma-expose sa hangin. Napadpad siya sa laboratory kung saan noon pinag-aralan si Glenn. Salamin ang pinto at bintana kaya kitang-kita sa loob. May iilang scientist siyang nakikita sa loob na may inaasikasong hubad na lalaki na nakahiga at may kung anong aparatong nakabalot sa ulo nito kaya hindi makita ang mukha. Sa paanan ng lalaki ay mayroong nakasabit na tag. Specimen-109 ang nakasulat. “May kasunod pang human specimen kay Glenn?” untag niya. Kumislot siya nang may mabigat na kamay na sumampa sa kanang balikat niya. Pumihit siya sa kaniyang likuran. “D-Dr. Jackson!” bulalas niya. Ito ang doktor na unang nakadiskubre na may deadly virus na kumakalat sa bansa nila. Isa itong American scientist na naglilibot sa mundo. “You’re here again, Stella. How are you?” nakangiting tanong nito. Naalala pa pala siya. “I’m good.” Malapad siyang ngumiti. “Are you here to work again?” “Hm… not here but for Dr. Laurel’s son.” “Oh. For the specimen-107?” “Yes.” Sinipat niya ulit ang loob ng laboratory. “And I’m curious about the new human specimen inside,” aniya. “Uh, that guy, he came from North Carolina. We found him in the hospital, which was the last affected by the neurocalybia virus in the country. He also has Filipino blood. So, I decided to bring him here to do the process as we did to the specimen-107, and we hope we will succeed again this time.” “I believe in you, Dr. Jackson.” “Thank you, and good luck with your new job!” Tinapik nito ang likod niya saka siya nilagpasan. Pumasok na ito sa laboratory. Malawak ang ground floor ng institute at hindi niya kayang ikutin ng isang oras. Noong baguhan siya sa lugar ay ilang beses din siyang naligaw dahil sa dami ng pasilyo at halos magkakamukha. The ambiance feels scary, like in the zombie apocalypse film she had watched. Bumalik din siya sa recovery room. Wala na roon si Carlo. Hindi na siya muling lumabas at doon na kumain. Sobrang lamig ng silid kaya nagsuot siya ng denim jacket. Nakailang subo pa lamang siya ng pagkain ay dumating si Dr. Laurel kasunod ang mga lalaki na tumutulak sa stretcher na sinasakyan ni Glenn. Tinakpan niya ang kaniyang pagkain. Nagising na pala si Glenn pero nanghihina. Tumayo siya at nilapitan ang mga lalaki na pinagtulungang ilipat sa kama si Glenn. “Huwag n’yo nang ikabit ang aparatos,” utos ni Dr. Laurel sa tatlong lalaki. Nang maayos ang higa ng pasyente ay umalis din ang tatlong lalaki. Naiwan si Dr. Laurel at kinausap si Glenn. “Don’t do stupid things if you want to go home. Understood?” Tumango lang si Glenn. Mamaya ay sinipat si Stella. Napalapit siya rito at ngumiti. “Be good to us, Glenn. You will be fine,” aniya. Umangat ang kanang kamay ni Glenn at pilit siyang inaabot. Hinawakan din niya ang kamay nito. “Y-You stay…” sabi nito sa malamyos na tinig. Tumango siya. “Yes, I will stay here.” “I have something to discuss with you, Stella. Come with me,” apela ni Dr. Laurel. Binitawan naman niya ang kamay ni Glenn saka sumunod sa doktor. Sa harapan ng pinto sila nag-usap. May ibinigay itong card sa kaniya na may mga nakasulat, magulo pero naintindihan naman niya. “Glenn’s condition could suddenly change dependent on the situation. His mind was still under slow development. The best thing to do was manually teach him from scratch. And don’t force him to adapt the knowledge that his mind could not digest.” “Ano po ang ibig sabihin, Doc?” tanong niya. “Magsimula ka sa learning material na para sa preschool, for four year old kids. Ganoon pa lang kasi ang nakakayang ma-absorb ng utak niya. Although he had already adapted languages, some of those were still confusing to him. Only machines taught him to speak fluently, but no specific knowledge may enlighten him about those things he encountered. Hence, step by step process helps him a lot and avoids pressure,” paliwanag ng doktor. “Naintindihan ko po. Gagawa na lang ako ng learning material na dapat niyang matutunan.” “That’s good. And note that Glenn was unfamiliar with common stuff like clothes, food, or anything human needs. And since you’re a psychologist, I hope you can manage his personality and emotions to control it.” “I will do my best, Doc.” Tumango lang ang doktor at binalikan si Glenn. Kinausap lang nito saglit ang binata saka nagpaalam. “You can take a break, Stella,” ani Dr. Laurel bago tuluyang lumabas. Binalikan naman niya ang kaniyang pagkain at lumipat sa tabi ni Glenn. Hindi pa naman ito makagagalaw nang maayos kaya hindi niya kailangang matakot. “Kakain lang ako, ha?” paalam pa niya rito. Pinagmamasdan lang siya ni Glenn, sinusundan ng tingin ang bawat pagsubo niya ng pagkain. Adobong manok ang ulam niya na merong patatas at tokwa. Simula noong nawala ang mama niya, pinag-aralan niyang iluto ang iba’t ibang putahe, lalo na ang paborito ng papa niya’ng adobo. “Are you hungry?” tanong niya kay Glenn.” Hindi ito sumagot, tumitig lang sa kaniyang mukha, tila kinakabisado ang bawat anggulo. Nakakakain naman ito pero dahil naninibago, iyong magugustuhan lang ng panlasa nito ang kinakain. Mamaya ay kumilos ang kanang kamay ni Glenn at hinawakan ang kamay niya na may hawak sa kutsara. Napatingin siya sa mukha nito. Nakatitig pa rin ito sa mga mata niya. “A-Ayaw ko na rito,” sabi nito. “Konting tiis na lang, makauuwi ka rin.” Ngumiti siya. “Uuwi?” “Oo, sa bahay ninyo.” “Saan?” “Basta malayo rito.” “M-May doktor din ba sa bahay?” “Uh… siyempre bibisitahin ka pa rin ng doktor. At saka ang daddy mo ay doktor at doon din siya nakatira sa bahay ninyo.” “Dr. Laurel said that we will go home tomorrow if I feel better now.” “Yes, that’s right.” “You mean you will go home with me, too?” Namilog ang mga mata nito. Napaisip pa siya. Mas mahihirapan siya kung uwian dahil baka sumpungin si Glenn at ipatatawag siya ng alanganing oras. Kung stay-in naman siya, walang mag-aasikaso sa kailangan ng papa niya. Hindi pa nila napag-usapang mag-ama kung paano ang routine nila. Dapat ay makausap muna niya ang kaniyang ama. “Bukas ko na sasabihin kung titira ako sa bahay ninyo. Ang hirap din kasing mapalayo sa bahay namin,” aniya. “K-Kung ayaw mo sa bahay namin, puwedeng sa inyo ako titira?” Umaliwalas ang mukha nito, nasasabik. Tumabang ang kaniyang ngiti. “Lalong hindi ‘yan puwede.” “Bakit naman?” Bumusangot ito. “Kasi maliit ang bahay namin. Hindi ka magiging komportable roon. At saka hindi papayag ang daddy mo.” “Then come with me. Ayaw ko na rito, Noname.” Niyugyog nito ang braso niya. Natawa siya. Hindi pa rin nag-sink in sa utak nito ang totoong pangalan niya. “Malalaman natin ‘yan bukas. Sa ngayon, mapahinga ka muna.” “Sige. Pero ang bigat ng pakiramdam ko rito, Noname. Parang puputok.” Inilapat nito ang kamay sa puson. “Ha? Teka.” Tumayo siya at tinakpan ang kaniyang pagkain. Naiihi si Glenn malamang. Wala pa si Carlo at baka mapaihi sa higaan nito si Glenn. Inalalayan na niya ito patayo. Hindi man lang ito nilagyan ng catheter. “Kaya mo bang tumayo?” tanong niya rito. May saklay naman ito kaya pinagamit niya. “Namamanhid ang katawan ko,” anito. “Sige, gumalaw ka lang sa abot ng makakaya mo. Tutulungan kita.” Isang kamay lang nito ang pinagamit niya ng saklay. Ang kabila ay isinabit niya sa kaniyang balikat habang inaalalayan ito sa baywang. Ang bigat nito. Hindi nito maihakbang nang maayos ang mga paa kaya kailangan pa niyang tulungan. Wala marahil lakas ang mga binti at kamay nito dahil parang lantang gulay. Pagdating sa banyo ay siya pa ang nagtaas ng laylayan ng laboratory gown nito at ibinaba ang brief. Hindi lang ata tutor ang magiging trabaho niya kay Glenn, magiging caregiver na rin. “Can you hold this?” tanong niya rito, itinuro ang nakalawit nitong ari. Binitawan nito ang saklay saka hinawakan ang alaga at itinutok sa inidoro. Tiniis niya na huwag tingnan ang armas nito dahil umaalsa ang pagnanasa niya. Nakatutukso kasi ang taba at haba ang kargada ni Glenn. Nakita na niya ang buhay nitong pagkal*laki at ayaw niyang makita ulit baka hindi siya makapagpigil. Napaungol pa si Glenn nang makaihi. Nilaro pa nito ang alaga kaya napatitig siya. Unti-unting naninigas ang sandata nito kaya ginupo na siya ng kaba. “Look, oh. Naninigas na naman siya, Noname. Bakit ganito?” inosenteng tanong nito. “Kasi nilalaro mo. Hayaan mo lang na matapos kang umihi.” “Lumalaki siya at parang buhay.” “Nako! Huwag mo kasing laruin.” Natataranta na siya. “Hawakan mo, Noname. Gumagalaw ang mga ugat.” Aliw na aliw pa ito. Napakagat-labi siya nang mapansing tumayo na nga ang munting alaga ni Glenn! “Tama na ‘yan!” sita niya rito, itinaas na ang brief nito kaso halos mapunit dahil sa paghihimutok ng armas nito. Nagtataka siya bakit ayaw pang kumilos ni Glenn. Nakayuko lang ito. Tinapik niya ito sa balikat. “Naiisip ko na naman ‘yong ginawa natin noon, Noname. Sobrang sarap niyon. ‘Yon ang pinakamasarap na naramdaman ko. Sana… sana gawin natin ulit ‘yon,” sabi nito, namimilog ang mga matang tumitig sa kaniya. She gritted her teeth. “Never again, Glenn. Come on, let’s go outside,” aniya saka pinilit itong maglakad. “Sabi mo hindi naman ‘yon bad, eh. Sige na, gawin natin ulit ‘yon,” pilit nito. “Hindi nga puwede.” Napahinto sila sa bukana ng pinto nang mamataan si Carlo na nakatayo sa gilid ng kama ni Glenn, nakatingin sa kaniya. Nilamon ng hiya si Stella nang maisip na posibleng narinig sila ni Carlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD