HINDI pa naman obligadong simulan ni Stella ang tutorial kay Glenn. Matiyaga lang siyang sumagot sa mga tanong nito.
“Do you live here, Noname?” tanong ni Glenn.
Ang dami na niyang sinabi pero mukhang hindi nito inintindi. Pansin niya na nakatitig lang ito sa kaniyang mukha. Aliw na aliw siya sa pagtawag nito sa kaniya na ‘noname’. It’s cute, but she needs to introduce herself formally.
“Uh… no. My house was far from here,” tugon niya.
Nakaupo pa rin sila sa couch na magkatabi. Panay ang urong niya, ganoon din naman ang usod sa kaniya ni Glenn at gustong dumikit sa kaniya. Kailangan niyang umiwas dahil kung hindi ay lalamunin siya ng tukso.
“Why are you here?” curious nitong tanong.
“I’m here for work.”
“Work? You mean, gawain mo rin ginagawa ni Carlo? Work daw ‘yon niya.”
“No, we have different work here. Me, as your new tutor.”
“I see. Noname is my new tutor.” Malapad itong ngumiti.
Hinarap niya ito at diretsong tumitig sa mga mata nito. “Hindi pala noname ang pangalan ko. I’m Stella,” pagtatama niya sa nakasanayan nitong pangalan niya.
Nanlaki ang mga mata ni Glenn, pero kalaunan ay ngumiti. “Stella?” sambit nito, walang kurap na tumitig sa mukha niya.
She nodded. “That’s my real name.”
Mamaya ay bumaba ang tingin ni Glenn sa gawi ng kaniyang dibdib, tulala pero may ngiti sa mga labi. Dagli naman niyang tinakpan ng palad ang kaniyang dibdib. Medyo maluwag ang collar ng damit niya kaya nasisilip ang kaniyang cleavage lalo kung malapitan.
Umisod siya paatras. “Matulog ka muna, Glenn. Mukhang inaantok ka na,” alibi niya saka tumayo.
Tiningala siya ng binata. “Huh? You’re just like Carlo. Patulugin ako kahit kagigising lang. Is it what humans need, to sleep all day and night?” Puno ng kalituhan ang isip nito.
Ngumisi siya. “Hindi naman buong araw kailangang matulog. Human needs at least eight to ten hours a day for a healthy body.”
“You mean humans could die if they lack sleep?”
“Hm… yes. Always lack of sleep could cause early death. Dahil ang taong palaging puyat, walang maayos na tulog madalas ay posibleng iigsi ang life span, at high risk sa heart problem.”
Tatangu-tango lang si Glenn, aywan kung naintindihan lahat ng mga sinabi niya. Iniiwasan niyang tumitig nang matagal sa mukha ni Glenn dahil napupukaw ang obsesyon niya rito. Dumating na siya sa punto na hinahalikan at pinagnanasahan niya ang half-naked nitong poster noon.
She insisted that the new Glenn was a different person. Hindi siya maaring ma-distract ng kaniyang kabaliwan dito.
“Uh… babalik na lang ako sa Sunday, kapag uuwi ka na,” paalam niya rito.
Marahas na tumayo si Glenn at nilapitan siya, hinuli ang kanang kamay niya. Ang higpit ng kapit nito bagay na ikinagulat niya. Glenn's eyes look scared and worried.
“Aalis ka na? Sabi mo ikaw ang tutor ko ‘di ba?” nakasimangot nitong untag.
“Oo, pero hindi pa naman ngayon ang simula ng trabaho ko. Nagpunta lang ako rito para magpakilala sa ‘yo. Para ipaalam din sa ‘yo na ako ang bagong tutor mo,” paintindi niya rito.
Lalong humigpit ang kapit nito sa kanang kamay niya. Mangiyak-ngiyak na ang mga mata ni Glenn, parang bata na takot maiwan mag-isa.
“Ayaw ko. You stay here. I’ll call Dr. Laurel,” sabi nito.
Napabuga siya ng hangin. “Hindi puwedeng masunod lahat ng gusto mo, Glenn. There are limitations to everything. I’m just like Carlo. There is a specific time to check on you,” paliwanag niya.
“But you told me your work differed from Carlo's, right?”
“Yes, but the working hour was the same; it has limitations.”
Nangunot ang noo ni Glenn, tumalim ang tingin sa kaniya. “You’re just like them,” may hinampong sabi nito, saka lang binitawan ang kamay niya.
May kung anong kumurot sa kaniyang puso nang mapansing tila sumama ang loob ni Glenn. Sinundan niya ito ng tingin nang lumapit ito sa kama at humiga. Nagtalukbong ito ng kumot.
“Babalik naman ako kasi sa Sunday pa ako magsisimula sa trabaho. Then, we will be having a long time to study,” aniya.
“I don’t care! Katulad ka rin ni Carlo! Work, work, work! F*ck you all!” galit na nitong sabi pero nagtatago sa kumot.
Hindi tuloy siya makapagpasya kung aalis na. Kalaunan ay nilapitan niya si Glenn. Hinawi niya ang kumot na sumaklob dito. Nakatagilid ito, namaluktot habang nakatalikod sa kaniya.
“Hindi mo pa kami maiintindihan sa ngayon. Alam ko bored ka na rito. Konting tiis na lang, makakalaya ka rin dito,” aniya sa malamyos na tinig.
Pumihit ito paharap sa kaniya. Natigilan siya anng mapansing mamasa-masa ang pisngi nito. Bigla itong umupo, naka-ekis ang mga paa, humalukipkip. Glenn pouted like a kid. He’s cute.
“I might don’t understand what’s going on around me, but I feel something is wrong. I thought I was incomplete, and I missed something. Minsan parang may tumutusok sa dibdib ko, makirot, and it pushed my tears to come out from my eyes,” kuwento nito.
Her heartbeat tightened as she analyzed Glenn. He felt the sadness. “That was called emotions. All things or scenes our eyes catch will automatically trigger the heart's emotions. It's connected because the brain gives the signal; even those things we touch could trigger the emotions, all of our senses,” she explained.
“Emotions?” untag nito habang matiim na nakatitig sa kaniya.
“Yes.”
“Pero… ano kasi, bakit gano’n, Noname?”
“Stella,” pagtatama niya.
“Uh… Stella, yeah.” He giggled. “Kasi sa tuwing naiisip kita, gusto kong maulit ang ginawa natin noon. At habang iniisip ko ‘yon, sumasakit ulit ang puson ko, tumitigas ito, oh, the one I use to pee.” Hinawakan pa nito ang kargada na nakatago sa salawal.
Napangiti siya nang matabang, napakamot ng batok kahit hindi naman nangati. Ilang sandali pa bago nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi ni Glenn. Glenn’s body woke his lust while recalling the scene she had done before, and it’s not good if he continues doing it. It could be his new addiction.
“That’s not good for you, Glenn. Forget what we had done before. Nagsisimula pa lang nag-iipon ng memories ang utak mo kaya dapat magaganda ang maa-absorb mong kaalaman. At saka limitahan mo ang pag-masturbate,” walang gatol niyang sabi.
“Huh? Anong huling sinabi mo? Hindi ko maintindihan.” Nangunot ang noo nito.
“I mean, iyong ginagawa mo na hinuhubog iyang ginagamit mo sa pag-ihi.” Itinuro pa niya ang armas nito.
“Ah, ‘yong katulad sa ginawa natin? Bakit? Masama ba ‘yon? Hindi ba ‘yon gamot kasi nawala ang sakit ng puson ko?” Namilog ang mga mata nito.
She bit her lower lip. “Hm, hindi naman masama, actually healthy ‘yon, pero masama rin kung sobra to the point na maging addicted ka na.”
“Pero kasi kapag hindi ko ‘yon ginawa sa sarili ko, sumasakit ang puson ko.”
“Iwasan mo na lang iyong mga bagay na maaring mag-trigger sa emotions mo. Iyong pupukaw sa pagnanasa mo. What I mean is, stop thinking about what we did before. Forget it.”
“How?”
Napasintido siya. “Just don’t think about it.”
Umayos ng upo si Glenn. “Like now, I feel the changes in my little friend down there,” sabi nito.
Ginupo siya ng kaba. “Uhm, I think I need to go!” Napatakbo siya sa pinto pero nauna itong bumukas nang may pumasok, si Carlo pala. Kamuntik pang matapon ang laman ng tray na dala nito.
“s**t!” bulalas nito, todo balanse sa tray upang hindi mahulog ang basong may lamang tubig.
“Noname! Aaalis ka na?” tawag ni Glenn, napatayo na at humabol sa kaniya.
“Diyan ka lang!” pigil niya rito.
Huminto naman ito may isang dipa ang agwat sa kaniya. Nagtatakang nakatingin ito sa kaniya na parang magtatampo. Namumula ang ilong nito.
“Bakit aalis ka na?” tanong nito sa malamig na tinig.
“Ano kasi magbabanyo ako. Sige.” Tinalikuran na niya ito at dagling lumabas.
Hahabol pa sana si Glenn pero pinigil ito ni Carlo.
Nakahinga nang maluwag si Stella nang makalabas ng recovery room. Bigla siyang nag-alinlangan na magsilbi kay Glenn bilang tutor nito. Pero naroon na siya, nakapirma na ng kontrata at nakuha ang advanced payment na isang daang libo. Hindi na siya maaring umatras.
Sa tuwing iniisip niya kung gaano kahirap pakisamahan si Glenn ay bigla siyang na-stress. Panay ang buntong-hininga niya habang naglalakad sa pasilyo. May ilang doktor siyang nakasalubong. Karamihan sa mga ito ay mga scientist na nag-aaral ng mga bagong diskubre na virus na posibleng maging banta sa mga tao, hayop at halaman.
Hindi pa siya nakalalayo ay narinig na niya ang baritonong tinig ni Glenn na tinatawag siya.
“Noname!”
Napangiwi siya. Mas gusto pa rin talaga nitong tawagin siya sa nakasanayang pangalan. Nang mapagtanto na nasa labas na ng kuwarto si Glenn ay nataranta siya. Hindi niya malaman kung tatakbo palayo rito o lalapitan ito.
“Noname! Wait!” Tawag nitong muli. At sa pagkakataong iyon ay tila malapit na ito sa kaniya.
Huminto siya sa paghakbang saka pumihit sa likuran. Namataan niya si Glenn na pilit pinipigil ni Carlo. Pumipiglas ito, hanggang sa tinamaan ng braso nito sa bibig si Carlo kaya napaatras.
Tumakbo na patungo sa kaniya si Glenn. Hinabol pa rin ito ni Carlo at napilitang tusukin ng injection sa braso.
“Ugh!” daing nit Glenn. Natigilan ito at unti-unting nanlumo, napaluhod sa sahig.
“Tulungan mo akong akayin siya pabalik sa kuwarto. Busy ang mga tao at hindi puwedeng abalahin ng emergency alarm,” sabi ni Carlo.
Tinulungan na lamang niya ito. Wala ng lakas si Glenn pero gising pa naman. Hindi na ito makapagsalita kaya inihiga na lang nila sa kama pagpasok sa kuwarto.
“Mukhang pasasakitin nito ang ulo mo, Stella,” nakangising sabi ni Carlo habang inaayos ang higa ni Glenn sa kama.
She took a deep breath. Expected na niya na mahihirapan siya pero hindi siya susuko. Nagsisimula pa lang naman siya at marami pang magbabago.
“Magbabago rin si Glenn. Dapat unahing ipaintindi sa kaniya ang wastong asal at kung paano makontrol ang emosyon niya,” aniya.
“Naniniwala ako sa ‘yo. Iba rin kasi talaga ang babae makisama. At saka psychologist ka ‘di ba?”
Tumango siya. “Pero fresh graduate ako, wala pa masyadong karanasan.”
“Pero tinapos mo ang kurso, meaning, marami ka nang natutunan.”
She chuckled. “Oo naman. Masarap ding kumilatis ng iba-ibang personality pero kapag marami ka nang alam, nagdudulot din ng stress.”
Tumawa nang pagak si Carlo. “Okay lang ‘yan. Masasanay ka rin sa nature ng trabaho mo. Kahit ako, hirap ding mag-adjust noong bago pa lang ako bilang nurse.”
Sinipat niya si Carlo. May isinasalin itong gamot sa maliit na syringe. Saka niya naisip na tadtad na ng kung anong gamot ang katawan ni Glenn. Umiral na naman ang awa niya sa binata.
Pagkatapos na maturukan ng gamot si Glenn ay nagpaalam na si Carlo. Matagal pa raw magigising si Glenn ayon dito kaya maari na siyang umalis. Ngunit pinili niyang manatili ng ilang minuto. May napansin kasi siya sa katawan ni Glenn nang bihisan ito ni Carlo ng mas maluwag na kamesita.
Inangat niya ang laylayan ng damit nito at sinilip sa tagiliran, sa bandang kaliwa. Mayroong naka-tattoo roong pamilyar na logo. The tattoo was an image of a famous fraternity logo, a pentagram with a wild rose and a chain inside, surrounded by the eye.
Miyembro si Glenn ng international organized fraternity na pumaslang sa kababata niyang si Haru, na aspiring member na namatay dahil sa hazing. Kaya isinumpa niya ang fraternity na iyon kahit ipina-ban na ito sa bansa.
It makes sense now why Haru didn’t support her to hail Glenn’s image. Maybe Haru discovered something about Glenn that ruined his trust. Nabanggit pa nito na hindi raw dapat hinahangaan ang katulad ni Glenn. Pero hindi siya naniwala sa kaibigan. Tinubuan siya ng agam-agam tungkol sa pagkatao ni Glenn. Marami pa siyang hindi alam dito.
Inayos lang niya ang damit ni Glenn saka nagpasyang aalis. Ngunit nakaisang hakbang pa lamang siya ay biglang nanginig ang katawan ni Glenn. Nataranta siya, napindot kaagad ang emergency button sa may gilid ng pinto.
“Glenn!” tili niya nang hindi mapigil ang panginginig ng katawan ni Glenn.
Napatakbo na siya sa labas at nagtawag ng tulong.