NAALALA ni Stella na noong naiburol si Haru, wala na sa braso nito ang bracelet na palagi naman nitong suot. Ano ba talaga ang nangyari noon kay Haru? Nadagdagan ang palaisipan niya. Nailibing na lang noon si Haru na walang nagpakitang suspect. Batid niya’y mga high profile ang suspect na umano’y miyembro ng fraternity na bumugbog kay Haru hanggang bawian ito ng buhay. Namatay ang isyu simula noong pumutok ang balita sa virus. Ni hindi niya alam kung buhay pa ba ang mga walanghiyang ‘yon na bumugbog kay Haru. “Uh, baka sa kakilala ko ‘to na miyembro ng fraternity nila Glenn noon,” aniya sa kabila ng magulong isip. “Bakit nariyan ang pangalan mo?” usisa ni Fabio. “Ewan. Baka kapangalan ko lang,” maang niya. “Baka makita mo ang may-ari niyan, pakibigay na lang. Sa palagay ko ay wala n

