HINDI naman napilayan o nabukulan si Gareth. Bumaba ito mula sa silya pero hindi nabalanse ang katawan kaya napadapa kaagad sa sahig. Kahit na hindi nasaktan ang anak, nataranta pa rin siya. Pero higit siyang ginulat ng reaksiyon ni Glenn, na mas nag-alala pa sa kaniya. Talagang pinadala nito sa ospital ang anak niya upang patingnan sa doktor, pina-admit pa. At least Glenn naturally showed his care for their son. Tuloy ay nai-suggest niya na ipa-DNA test na si Gareth. “Pinagamit mo kay Gareth ang apelyido ko?” manghang untag ni Glenn nang sila na lang ang naiwan sa private ward ni Gareth. Tinabihan nito sa kama ang anak niya. Nakaupo lang siya sa couch at inaayos ang damit ni Gareth. “Yes, and sorry dahil walang permiso,” aniya. “No, you don’t have to say that.” Tumayo si Glenn at kin

