NAHIRAPAN ang bodyguards sa pag-awat kay Glenn sa pag-aamok kaya naglakas-loob si Stella na yakapin ito buhat sa likuran. “Tama na, Glenn. Please, calm down,” sabi niya, paulit-ulit habang mahigpit ang yapos sa binata. Nang maramdaman niya ang unti-unting paghupa ng tensiyon sa kalamnan nito ay saka lang siya bumaling sa harapan nito, ikinulong ang mukha nito sa kaniyang mga palad at pinakatitigan sa mga mata. Mahayap ang titig sa kaniya ni Glenn ngunit ramdam niya ang bumababang temper nito. Hinapo ito sa kakasigaw. “W-Why?” he asked huskily. “Calm down first, and I will explain the basic details I had heard about the guy on the television,” aniya sa malumanay na tinig. “You know him, don’t you?” “Yes,” diretso niyang tugon. “And who are you?” Hinawakan siya nito sa mga kamay. “

