Chapter 2

2225 Words
Ang sarap niyang lapitan at sapakin ng malakas. Hindi na talaga nagbago ang ugali niya. Ang layu-layo kumpara sa mga magulang niya. Tuluyan ng nawala ang pagkasabik kong makita siya at ang kabang lumulukob sa buong sistema ko ay napalitan ng pagkainis. Hindi agad nakaimik ang mga kasamahan ko at tila natulala sa ipinakita ng CEO. "Grabe, ang suplado pala niya." Bulong ni Jaime na nasa tabi ko lang. Pinandilatan ko siya ng mata upang tumahimik dahil baka marinig siya ni Xavier. Masyadong tahimik ang buong silid at kahit mahinang tunog ay maririnig. Nanatili lang kaming nakatayo sa kinauupuan namin hanggang sa dumating ang sekretarya at pinaupo kami sa sofa na nasa loob ng opisina. Panay ang sulyap ko kay Xavier habang nakaupo kami. Gustong-gusto ko siyang lapitan at kumustahin ngunit natatakot akong mareject niya. Sa pinapakita pa lang niya kanina ay hindi ko na iyon kailangang gawin pa. Tahimik lang kaming lahat sa loob at tila nakikiramdam sa isa't-isa. Walang gustong magsalita at naghihintay lamang kung sino ang gagawa. "Nandito na sila Sir." Sabay-sabay kaming napalingon sa sekretarya nang magsalita ito nang pumasok sa loob ng office. Nakasunod dito sina Tito Jayvee at Tito Xander. Napatayo kaming lahat at ganoon na rin si Xavier. "Good morning!" Bati ni Tito Jayvee habang nakangiti. Lumapit siya sa kinaroroonan namin at kinamayan ang bawat isa sa amin. Hindi mawala sa mukha niya ang ngiti habang nakatitig sa akin. Katulad niya ay isa-isa rin kaming kinamayan ni Tito Xander. Pinakilala rin namin ang aming mga sarili sa kanya. Umakto naman akong hindi kilala ang mag-asawa upang hindi maghinala sa akin ang mga kasama ko lalung-lalo na si Xavier. Inaya kaming umupo ni Tito Jayvee pagkatapos ng batian. Napansin ko ang paglapit sa amin ni Xavier at naupo na rin sa tabi ng kanyang mga magulang. Matapos kausapin ang mga ito ng saglit ay humarap na siya sa amin. Matalim ang kanyang titig na waring hindi niya gusto ang mga nasa harap niya. The feeling is becoming mutual. "Sino ba sa kanila ang naka-assign sa akin Papa?" Mahina ngunit matigas niyang tanong kay Tito Jayvee. "Bakit parang mas kaya ko pa silang protektahan compare to what they will give to us? Look at there built, masyado silang maliit para maging bodyguard natin." Suplado niyang saad. "Manners Xavier!" Saway sa kanya ni Tito Xander. Pinandilatan siya nito ng mata ngunit hindi siya nagpatinag. "Dad, ilang beses ko bang sinasabi sa inyo na hindi ko nga kailangan ng bodyguard. I'm a big guy and I can protect myself." Giit niya rito. "We already talk about this Xavier. Iniisip ko lang ang kalagayan mo. You need to have a bodyguard and that's final!" Pinal na sabi ni Tito Xander. Kinabahan naman ako dahil sa pagtaas ng boses nito. Hanggang ngayon ay sobrang nakakatakot pa rin si Tito kapag nagagalit. Kahit nga lang presensya ay sobrang nakakaintimidate na. "Tumigil nga kayong dalawa. Hindi niyo ba nakikita? Nasa harap tayo ng mga bisita." Mahinahong wika ni Tito Jayvee pero nakapagpagpatihimik iyon sa dalawa. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila. Hanggang ngayon ay buo pa rin ang kanilang pamilya at nakikita ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa lalo na ang mag-asawa. Lumipas man ang maraming taon ay mas tumatag pa ang kanilang pagsasama at hindi sila nahihiyang ipakita iyon sa ibang tao. "Sorry boss ko, ito kasing anak mo. Ayaw makinig sa akin eh." Malambing na sabi ni Tito Xander sa asawa. Hindi naman ito pinansin ng huli at humingi lang ng pasensya sa amin. Nagsimula kaming mag-usap tungkol sa magiging set-up ng trabaho namin sa kanila. Tulad nang napag-usapan namin ni Tito Jayvee ay ako nga ang naatasan kay Xavier na labis na ikinunot ng noo nito. "What? Bakit siya pa ang nakaassign sa akin Papa? My God! Kaya ba akong protektahan ng bubwit na 'yan?" Whoah! Below na belt na ang gagong 'to ah? Porket maliit ako kumpara sa taas niya ay iinsultuhin na niya ako ng ganyan? Kasalanan ko bang pinagkaitan ako ng height. Hindi naman siguro maliit ang 5'6 'di ba? Nakakainis na talaga ang lalaking 'to. Kung wala lang ibang tao ay kanina ko pa siya nasikmuraan at malakas na sinapak sa mukha. "Kapag hindi ka tumigil Xavier, ibibitin na kita ng patiwarik kasama ng ama mo!" Mahina ngunit may diing sabi ni Tito Jayvee. Kahit nakangiti sa amin ay mababakas sa kanyang mga mata ang pagkainis sa dalawa. "Bakit naman nasali ako diyan, boss ko?" Agad na tanong ni Tito Xander sabay hawak sa braso ni Tito Jayvee. "Isa ka pang lalaki ka. Pareho kayong mag-ama. Ang sakit niyo sa ulo, isa na lang talaga at iiwan ko na kayo para magkaroon naman ng katahimikan itong buhay ko." Hindi na nakaimik ang dalawa nang isa-isa niya itong tiningnan at binigyan ng matatalim na tingin. Tumungo ang mga ito na parang pinagalitan ng kanilang magulang. Lihim akong napangiti sa nasaksihan. Hanggang ngayon ay under pa rin ang dalawa kay Tito Jayvee at kapag nagagalit na ito ay natatahimik na ang dalawa. "Pagpasensyahan niyo na ang dalawang ito. Ako na ang humihingi ng despensa para sa kanila" "Ayos lang po iyon Ti---" agad akong napatigil nang magpantanto ang sana'y bibigkasin ko, "okay lang po Sir." Pagbawi ko. Muntik na akong madulas. Nagtataka naman akong tiningnan ni Xavier. Kanina pa siya nakatitig sa akin na parang sinusuri ang buong pagkatao ko. Kinakabahan nga ako baka kasi nakilala na niya ako. Sana hindi pa talaga dahil ayaw ko munang ipakilala sa kanya ang sarili ko. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. "Meron na ba kayong impormasyon tungkol sa sindikatong tumatangka sa buhay namin?" Pagkuway tanong sa amin ni Tito Xander. Ako sana ang sasagot ngunit naunahan ako ni Jaime na kanina pa hindi mapakali sa kinauupuan niya. Panay din ang pagtitig niya kay Xavier na parang anumang sandali ay susunggaban na niya ito. Pasimple ko ngang tinatapakan ang kanyang paa at binibigyan ng matalim na titig upang tumigil sa maaring kahihiyang gagawin niya. Kung hindi lang magaling ang babaing 'to ay hindi na sana siya ang makakasama namin sa team. Magaling kasi ito sa mga data at magkalap ng mga impormasyon. Kaya niya ring i-hack at pumasok sa mga data base ng walang nakakapansin. Magaling siya sa forteng ito kaya pumapangatlo siya sa rangko. Iyon nga lang may pagkamalandi ang isang 'to pero hindi naman umaabot sa sukdulan. "Sa ngayon sir ay wala pa kaming konkretong impormasyon ukol sa sindikatong ito. But we will assure you na makakahanap agad kami ng makakapagturo sa pagkakakilanlan nito." "Good. I hope mabilis ninyong maresolba ang kasong 'to sa lalong madaling panahon. Nangangamba na ako sa kaligtasan ng pamilya ko. Alam niyo naman siguro ang nangyari sa amin last week, right? I'm willing to pay big. So please, gawin niyo ang lahat para matapos at mahuli na ang nagbabanta sa buhay namin." "We will do our best sir. Makakaasa kayo." Sa lahat ng naging kliyente namin so far ay kina Tito Xander ang pinakamahirap at kumplikadong kaso. Clueless pa rin kami hanggang ngayon kahit nagsagawa na kami ng paunang imbistigasyon. Tuso ang sindikatong ito at malinis gumawa kaya wala talagang makitang traces. Its a big challenge for us. For our team and for the agency as well. Pero sinisigurado kong matatapos agad namin ang kasong 'to. Dahil kahit ako ay natatakot sa seguridad ng buong pamilya ni Tito Xander. Sila na lang ng natitirang pamilya ko at hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanila. Nakahanda akong protektahan sila kahit buhay ko pa ang kapalit. Ayaw kong mawalan ng taong minamahal nang hindi ko man lang napoprotektahan. "May tiwala kami sa inyo lalo ka na Mr. Garcia. Protect my son. Makakaasa ba ako?" "Hindi ako nangangako sir pero gagawin ko ang lahat para protektahan ang anak ninyo." Saad ko kay Tito Xander saka tumingin kay Xavier. Tinaasan lamang ako ng kilay nito at iniwasan ng tingin. Napailing na lang ako sa aking isip sa inakto nito. "So we're okay now?" Pinal na tanong ni Tito Xander. Tumango kaming tatlo bilang sagot. "Its all settle then." Pagkatapos ng ilan pang pag-uusap ay umalis na ang mag-asawa kasama na sina Jaime at Ron. Naiwan akong kasama si Xavier na nakaupo na ngayon sa kanyang swivel chair. Busy siya sa pagbabasa ng mga papel na nasa mesa. Habang ako ay tahimik lang na naglalakad at tsinitsek ang buong office. Maganda ang loob ng office. Halatang CEO nga ang may-ari dahil sa magaganda at mamahaling furniture and fixtures lalo na ang mga nakadisplay dito. Dominant naman ang puti sa kulay ng buong silid. Makintab ang sahig na mas lalong dinidipina ng pinaghalong ilaw na nagmumula sa chandelier at liwanag mula sa labas. Sa isang bahagi naman kung saan nakaupo si Xavier ay tanging makapal na salamin lang ang dingding kung saan makikita ang buong syudad. Kung ganito lang kaganda ang opisina ko ay makakapagtrabaho talaga ako ng maayos. Napapitlag naman ako nang makarinig ng malakas na pagbagsak ng isang bagay. Iyon pala'y hinampas ni Xavier ng kanyang kamay ang mesa. "Could you please stop rooming around you brute?! I can't concentrate here." Kanina pa niya ako tinatawag ng hindi kaaya-ayang pangalan. Nakakainsulto na siya ng pagkatao. Unang araw pa lang ito at ano na lang kaya ang maririnig ko sa mga susunod pa. Baka mas malala pa. Ngumiti ako ng bahagya at tiningnan siya ng mataman. "I'm just doing my job sir. Tsinitsek ko lang ang buong office dahil baka may kahina-hinalang bagay dito. You're life is at risk now and I'm doing that for security purposes." Mahinahong sagot ko pero sa loob ko, gusto ko ng sumabog. Impatient akong tao pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko ngayon para pakisamahan ng maayos ang lalaking 'to dahil baka hindi pa nareresolba ang kaso ay may pinaglalamayan ng tao. "I'm working my ass here for almost three years now. The security of this company is very extensive kaya sigurado akong ligtas ang lugar na 'to. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pang kumuha nina papa at daddy ng personal na bodyguard para sa akin eh?" Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at unti-unti lumapit sa kinaroroonan ko. "At ikaw pa talaga ang pinili nila para sa 'kin. Look at you, you're not fit to be my bodyguard. Masyado kang maliit para protektahan ako." Nanatili akong nakatayo. Hindi ako nagpatinag kahit kinakabahan ako. Ilang hakbang ang distansya niya mula sa akin nang huminto siya sa paglalakad. But then, I can smell his scent that sent shivers down my spine. Dumagdag pa ang seryoso niyang titig na lalong nagpadagundong ng aking dibdib. It didn't change. Ganitong-ganito pa rin ang reaksyon ko sa tuwing tinititigan niya ako sa aking mga mata. Dahil nasanay na ako na parang walang emosyong pinapakita dahil na rin sa trabaho ko ay sigurado naman akong hindi niya nahahalata kung ano ang nararamdaman ko sa loob ko. "Tell me Mr...? What's your name again?" "Kenth. Kenth Garcia." Napataas siya ng kilay. "Kenth Garcia?" Tumango ako. "Okay... Kenth. Do you think you can protect me?" Nanghahamong tanong niya. Katulad niya ay gusto ko ring itaas ang kilay ko pero pinigilan ko ang sarili. "Ilang taon na ako sa agency at maraming personalidad na ang nabigyan ko ng serbisyo. Politicians, superstars, professionals at kapwa niyo businessman. Hindi sa pagmamalaki pero lahat sila ay nakuha kong iresolba ang kaso at sinisigurado kong mahuhuli ko rin ang tumatangka sa buhay niyo. And to answer your question, Yes, I can protect you sir." Patience Caine. Patience. Napangisi siya. "Really? Kaya mo akong protektahan?" Humakbang pa siya palapit sa akin na mas lalong ikinabilis ng pintig ng puso ko pero naging alerto ako ng umaangat ang kamay niya papunta sa akin kaya mabilis ko itong kinuha at ibinalibag ko siya patalikod. Napahiyaw siya sakit at paulit-ulit na minumura ako. "Fvck! Gett off me. Bitawan mo ako!" "Naniniwala ka na ba na kaya kitang protektahan, sir?" "Fvck! Bitawan mo ba 'ko. Fine! fine! You can protect me. Sh!t! Get off me now!" At doon ko na siya binatawan. Itinulak ko pa siya para siguradong hindi niya ako babawian. Galit na hinarap niya ako pero hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. "You imbecile! Why did you do that?!" Galit na sigaw niya sa akin. Hindi man niya sabihin ay nakikita ko sa reaksyon niya na naniniwala na siya na kaya ko siyang protektahan. Its not what it seems. "Fvck!" Inikot naman niya ang kanyang braso at hinihilot ang balikat. Ayan, minamaliit niya kasi ang kakayahan ko. I'm not going to be number one in the agency para hindi kayang protektahan ang mga kliyente ko. "Pinapatunayan ko lang na kaya ko kayong protektahan sir. And besides, umaksyon kasi kayong susuntukin ako." Napakunot ang kanyang noo. "What the h*ll! Anong sinasabi mong susuntukin kita? Assh*le! Aayusin ko lang ang kwelyo ng polo mo." Napatigil ako dahil sa inamin niya. Nakonsensya ako sa ginawa ko sa kanya. Akala ko kasi susuntukin niya ako. Indeed, its not what it seems. Hihingi pa sana ako ng pasensya nang tumalikod na siya at muling bumalik sa table niya. Bago ibaling ang atensyon sa ginagawa kanina ay tiningnan niya ako at nagsalita. "You do your thing and I will do mine. Papalagpasin ko muna ang araw na 'to but I will assure you na hindi ka na magiging bodyguard ko bukas." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD