"NANDIYAN na! Nandiyan na!" excited na anunsiyo ni Toto na sumisilip noon sa may pinto. Minsan pa ulit itong sumilip bago umalis doon at lumapit sa kanila. Nagtayuan sila at nagsipwesto. Hawak ni Cruzette ang bilog na cake na maingat niyang iniangat mula sa mahabang hapag. Ang kaninang natatarantang si Lottie ay nasa tabi na niya at sinisindihan ang kandila sa cake. Ang kasambahay na si Sol at ilang tauhan ni Roswell sa talyer ay may mga hawak na mga confetti cannons. Lahat sila ay may mga birthday hats. Biglang tumahimik ang paligid. Ang lahat ay nag-abang. At nang bumukas ang pinto at pumasok na si Roswell ay sinabayan nila iyon ng isang malakas at masiglang, "Happy Birthday!" at tuloy-tuloy sila sa pagkanta. Natigilan muna si Roswell bago niya nakita ang pagsilay ng nasosorpresang r