"BUDDY, ano ba?" iritadong saway sa kaniya ni Roswell. Inihinto nito ang sasakyan sa may gilid ng kalye at marahil ay hindi na nakatiis. Marahas itong nagbuga ng hangin bago siya binalingan. "Buddy, kanina ka pa iyak ng iyak! Sabihin mo ang totoo! Anong pinag-usapan nyo ni Don Marciano?" Umiling siya. Pero panay pa rin ang paghikbi at punas sa mukha. "Wala! Anong wala? Hindi pwedeng walang dahilan 'yan, Buddy, ano ba?" "W-wala nga-" "Meron!" Hinablot na nito ang braso niya. Nasaktan siya at natigilan at pagkuwa'y muling binukalan ng luha. "Sabihin mo, Bud'. Anong nangyari?" Isang malakas na hikbi pa ang tumakas sa lalamunan niya bago nagawang magsalita. "Si Clyde..." simula niya at muling dumaloy ang mainit na likido sa pisngi. "Ikakasal si Clyde sa ibang babae..." Natigilan sanda