NANG magkamalay ay natagpuan ni Cruzette ang sarili sa isang maliit, pero malamig na silid. Sa palibot niya ay mga berdeng tela at mula sa kinahihigaan ay naririnig niya ang mga usapan. Luminga siya at sa gilid ng kama ay namataan ang humahalukipkip na si Clyde. Blangko ang ekspresyon at nakatunghay sa kaniya. "B-Boss..." aniya sa malabay na tinig at inilibot muli ang mga mata. Hindi niya kailangang itanong kung nasaan sila. "How are you feeling?" tanong ni Clyde na tumuwid sa pagkakaupo. Tumingin siya dito. "O-okay lang, Boss." "You need to see a doctor, Cruz. We need to cure your trauma." Bumaha agad ang pagtutol sa kalooban niya nang sabihin iyon ni Clyde. Umiling siya. "H-hindi, Boss. H-hindi na kailangan. Wala akong trauma…" “Cruz, listen to me. You have been hiding this all