AKALA ni Cruzette ay okay na talaga ang usapan. Pero sa bandang huli ay pumalag pa rin Clyde at iginiit na ihahatid na lang siya nito. Hindi niya alam kung anong nagpabago ng isip nito, pero naiinis siya. Nakagayak na siya at hawak na niya ang susi ng isa nitong kotse. "Hindi na lang ako tutuloy kung hindi rin lang ako aalis nang mag-isa!" banta niya. Gustoniyang matuyuan ng pasensiya. "So hindi talaga importante ang meeting na 'yan sa'yo?" ang tugon naman ni Clyde. "Ihahatid lang kita, ayaw mo nang umalis? Well, it's up to you." "Hindi naman na kasi kailangang samahan pa'ko! Matanda na'ko!" "Cruz, ngayon lang 'to. Ihahatid lang kita. 'Yun lang." Mukhang wala siyang choice. Nasabi na niya sa tumawag na PI na papunta na siya sa meeting place at patungo na rin daw ang mga ito doon. "Cr