"IF you must know, Hija, Jesus Abraham Torres, Sr. was the name of our band," pahayag nito. "Apat kami noong magkakaibigan sa kolehiyo na nagtayo ng banda, na ang pangalan ay isinunod namin sa tatay ng aming bassist. Si Jesus Abraham Torres, Jr. He's my bestfriend until now. Inaanak ko ang kaniyang panganay na anak na siyang may-ari ng JESAM Recording Company." Tumango siya. Nanatiling tahimik habang nakikinig lang sa kwento ng ama. Paano nga ba niya mahahanap ito? Kung pati ang tunay na pangalan ay ipinagkait sa kaniya ng ina? At isipin pang Abraham Torres ang nakatatak sa isip niya na pangalan ng tatay niya samantalang Ricardo Delfin Belleza pala. Gusto niyang alamin sa mga imbestigador kung paano ng mga ito natunton ang bagay na iyon. Curious pa rin siya. Ibig sabihin ba ay lahat ng