Pagkatapos kong maglinis ng sarili, nakatulog ako sa sobrang pagod. Nagising lang ulit ako bandang alas-dies ng gabi dahil sa gutom. Tanging ang lampshade na nasa night stand na lang ang bukas. At si Benj, wala sa aking tabi. Hindi ko alam kung may laman ba ang refrigerator, pero umaasa ako na sana ay may makain man lang ako, dahil nangangatog na ang katawan ko sa gutom. Dahan-dahan akong bumaba ng kama dahil masakit ang buo kong katawan. Wala akong suot na kahit ano sa katawan, kaya pumasok ako ng banyo, upang kumuha ng bagong roba doon. Patay din ang ilaw sa living room pero narito ang taong hinahanap ko. Biglang pumasok sa aking isipan iyong mga ginawa namin kanina kaya nakaramdam ako ng kaunting hiya. Napatingin siya sa akin ng mapansin ang aking presensya. Hawak niya ang kaniy