Pagkatapos kumain, nagbihis na ako. Si Benj ay nasa living room, may kausap na naman. Nagkatinginan kami paglabas ko ng kuwarto. Napatingin siya sa mga bitbit ko. Masungit ang kaniyang mukha. "Where are you going?" tanong niya. "U-Uuwi na," sagot ko naman. Naiinis na si Kamielle sa akin ngayon, malamang. "Did I say you can go home already?" Nanlaki ang mga mata ko. "I'm not yet done with you," medyo may pagbabanta sa kaniyang tono. Napangiwi ako pero kalaunan ay natawa. "Overnight tayo?" tanong ko. Nakangisi. "Yeah." "Okay. Grabeng energy iyan, ha..." Bumalik ako sa loob ng silid. Nag-text na lang ako kay Kamielle upang sabihin na hindi ako makakauwi ngayong gabi, dahil ayaw pa akong pauwiin ni Benj. Hinubad ko ang suot ko at nahiga sa kama. Pumasok naman si Benj at tina

