"How are you?" Nag-reply ako sa text nang text na admirer ko daw. Siguro dahil bored ako. Pang-sampung araw na ngayon na hindi pa din nagpaparamdam si Benj. Baka wala na. Hanggang doon na lang kami. Unti-unti ko ng tinatanggap ang bagay na iyon ngayon. Malaki naman ang naitulong niya sa akin. Hindi na ako lugi doon. "Ayos naman. Kauuwi ko lang galing school," sagot ko. Nagbihis ako at diretso babad na din ng aking uniform. Uminom ako ng tubig at tumulala bago ko naisipang mag-review. Pinikit ko ang aking mga mata pagkatapos kong magbasa ng isang page. Mentally ay nire-recite ko ang natatandaan ko sa binasa ko. Napairap ako nang bigla na lang sumingit sa isip ko si Benj. Naalala ko iyong mga ginawa namin sa banyo at pati na din sa ibabaw ng kama. Siguro hindi na amo magkakaroon

