Pumili ako ng tinapay. Iyong hindi matamis ang kinuha ko para balanse lang sa iniinom kong juice. Baka kasi sumakit ang tiyan ko gutom pa man din ako. Gusto kong kumain ng manok, kaso ano'ng oras na din. Siguro magluto na lang ako ng lucky me chicken kapag nakaalis na si Benj. Pakunti-kunti lang ang ginagawa niyang paglagok sa kaniyang kape. Samantalang makakalahati ko na itong juice na sinisipsip ko. Hindi siya nagsasalita. Wala man lang ba siyang gustong pag-usapan? Wala siyang gustong itanong sa akin o hindi lang ako interesting kaya ganoon siya. Ang tahimik talaga niya. Kung maging boyfriend ko 'to, ang boring naman ng mga date namin. Tsk! Napasulyap siya sa akin kaya binaling ko naman sa ibang bahagi nitong silid ang aking tingin. Alas-dos y media na ng madaling araw. Ano'