Wala akong maayos na tulog. Ang dami kong iniisip. Si Tita Odessa. Iyong sakahan ni Tatay. At dumagdag pa si Benj. For the first time, I don't feel like going to school. Pero hindi puwedeng lumiban. Pumasok ako na mabigat ang pakiramdam. "May sakit ka ba?" tanong ng mga kaibigan ko. "Wala. Napuyat lang ako." "Mag-vitamins ka." Ngayon na sinabi nila sa akin, naalala ko na wala nga pala akong vitamins. Kailangan ko iyon para laging malakas ang aking resistansya since lagi akong puyat. Dumaan na muna ako sa drugstore bago ako umuwi. Hindi na muna ako dumaan ng supermarket. Gusto ko munang matulog kahit isa o dalawang oras para may lakas ako sa duty ko ngayong gabi. I didn't expect Benj to show up at Apollo. Kaya naman nagulat ako nang dumating siya. Kasama niya ulit si Sir Malcolm.