CHAPTER 37

2027 Words

Siguro kaya puro masama na lang ang nangyayari sa buhay ko, dahil puro negatibo ang na-a-attract ko. Siguro mas maganda kung mas magiging positive ako, kahit na sobrang bigat ng mga pinagdadaanan ko. Maaga akong bumangon ngayong araw. Hindi na kasi ako makatulog. Naisipan kong mag-ayos ng husto. Nanood pa ako ng tutorial para sa isang make up look na gusto ko. Gamit ko ang mga make up ni Kamielle. Naubos na ang pera ko pero hindi man lang ako nakapamili ng sarili kong mga make up. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Napangiti ako. Satisfied ako sa kinalabasan ng aking make up. Isang oras na pala ang nakalipas. Tumayo na ako at muling sumulyap sa salamin. Ngumiti ako. Ganiyan nga, Lynette, ngiti lang kahit dinudurog ka ng problema. Tumunog ang cellphone ko. Hindi alarm clock, ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD