"Ang bilis namang magbago ng mood mo," puna ni Kamielle. Nakangiti pa ako pagpasok ko ng unit namin, pero pagkatapos kong magbihis, wala na ang ngiting nakaguhit sa aking mga labi. Panibagong problema na naman. Hindi man lang nagtagal ng ilang linggo o buwan iyong saya na nararamdaman ko. "Di ba, nagpadala na ako ng fifty kay Tita Odessa. Tapos tumawag daw kay Tatay kani-kanina lang. Kailangan daw niya ng two hundred fifty thousand. Saan naman iyon kukunin ni Tatay? Ngayon, ang mangyayari, baka isanla ni Tatay ang bahay namin. Magtatayo na lang daw siya ng barong-barong. Ilang buwan na lang magtatag-ulan na," mahabang litanya ko. "Parang tanga iyang Tita mo. Sorry not sorry. Basta, iba ang nase-sense ko sa kaniya," sagot naman ni Kamielle. Ayaw kong mag-isip ng masama tungkol kay T