Lumabas siya dahil may tumatawag sa kaniyang phone, kaya nahiga na lang ako para makatulog at makapagpahinga. Nanghihina ako at hanggang ngayon, nangangatog pa din ang buo kong katawan. Nang magising ako, alas-onse na ng umaga. Bumangon ako at hinanap si Benj sa labas. Nadatnan ko siya sa living room— humihigop ng kape. Sa kaniyang hita ay nakapatong ang kaniyang laptop. Malakas pa din ang ulan sa labas at hindi din makita ang mga buildings. Malamig ang buong living room dahil sa aircon, ngunit mas pinalamig pa ng malamig na panahon. "Hi," bati ko sa kaniya. Naupo ako sa single couch sa kaniyang gilid. Hindi ko siya tinabihan dahil ayaw kong makaistorbo sa kaniyang ginagawa. "Kung inaantok ka pa, matulog ka lang..." aniya. Humikab kasi ako. "Parang nagugutom ako," sagot ko naman

