Lorna I woke up from the uncomfortable silence inside our room. Kapag siguro nasanay ka nang mayroong umiiyak na bata gabi-gabi o sa madaling araw, magigising at magigising ka sa mahimbing mong pagkakatulog kapag wala kang narinig kahit na konting ingit lang. Maingat akong umupo sa kama. It has been a week since we got home from the hospital—since I gave birth to Mykolas' baby boy. Okay naman na ang pakiramdam ko at normal na akong nakakakilos subalit mayroon pa ring mga bawal. Hindi pa talagang naghihilom iyong sugat ko sa ibaba at ayoko rin munang puwersahin ang sarili ko, pero hindi na tulad noong una iyong sakit. Mahina akong nagpakawala ng buntonghininga nang matantong wala akong kasama dito sa kuwarto. Sinipat ko rin ang crib kung saan ang higaan ni Lukas pero alam kong wala roon

