PAGBALIK ni Lorelei sa mansyon ay hindi na niya naabutan pa si Cassius, tanging anak na lang niya na kasalukuyang nanood ng cartoon sa living room kasama ang nanny nito. Natuwa naman ang anak niya pagkakita nito sa kaniya at sinalubong siya ng yakap na parang nakalimutan na ang nangyaring gulo. At labis siyang nagpapasalamat na hindi na nga ito nagtanong pa sa kaniya ng kung anu-ano tungkol sa nasaksihan na gulo sa pagitan ng amang si Cassius at pamangkin na si Siege. Matapos yakapin saglit ang anak ay umakyat na si Lorelei sa kuwarto at nagmamadali na siyang nag-imapake ng mga gamit. Matapos mag-impake at magbihis ay agad siyang sumulat ng liham ng pamamaalam. Iniwan niya lang sa kuwarto ni Cassius at saka siya bumaba na ng kuwarto dala na ang isang maleta. “Ma'am, bakit po kayo may da