Dear Cassius, Patawad kung kinailangan na kitang iwanan. Ang totoo ay masakit din sa akin ’to. Napakasakit. Pero mas gusto kong kimkimin na lang nang mag-isa. Ayokong makapanakit pa ng iba. Ayokong patuloy pang masira ang pangalan mo dahil lang sa akin. Ayokong magkagalit kayo nina Tito at Tita dahil sa akin. Ayokong masira ka sa lahat, Cassius. Patawad kung hindi kita kayang piliin at ipaglaban sa lahat. Wala kasi akong kakayahan para ipaglaban ka. Kaya sana mapatawad mo ako. Patawad kung mas pinili kong talikuran ka. Patawad kung hindi ko mabigyan ng sukli ang pagmamahal mo. Gusto ko rin sabihin sa 'yo na hindi na ako galit pa dahil sa pag-abandona mo sa akin noon. Naiintindihan ko na. At alam kong mahal na mahal mo ako. Oo, ramdam na ramdam ko pa rin magpahanggang ngayon kung gaano m