CHAPTER 6

2029 Words
MASAYANG nakipag-dinner si Lorelei kasama ang pamilya ni Siege. Nakaligo na siya at nakabihis na ng pink na pantulog na pinahiram sa kaniya ng mommy ni Siege. Tudo asikaso nito sa kaniya at tuwang-tuwa nang malalaman na makikitulog na naman siya sa mansyon ng mga ito. Palibhasa ay wala itong anak na babae, kaya lagi siyang welcome na welcome tuwing bibisita siya at anak na rin ang turing sa kaniya. After dinner, they relaxed in the living room and watched a movie. “You know what, hija, I’m really happy that you’re here again. You should stay over more often so I can finally have a daughter,” wika sa kaniya ng mommy ni Siege habang marahan pa nitong sinusuklay ang hanggang baywang niyang buhok. Hindi pa niya kasi nasusuklay mula nang matapos siyang maligo kanina, dahil tinawag na siya agad para mag-dinner. “Hay naku, Tita, if only my dad wouldn’t get mad, I’d definitely live here so you could finally have a daughter,” nguso naman niyang sagot habang nakatingin sa nakabukas na TV kung saan old movie ni Nicholas Cage ang kanilang pinapanood, Con Air. “Agawin na lang natin siya mula kay Tito Cassius, Mom,” sabat naman ni Siege na nakaupo sa kabilang couch katabi ng ama nito at bunsong kapatid na busy sa paglalaro sa cellphone. “Gusto ko rin siya maging atin na lang. Dito na lang siya tumira sa atin.” “We should just lock Ate Lorelei up so she can’t go back to Tito Cass,” sabat ng bunsong kapatid ni Siege. “I want a beautiful sister too. My classmate said Ate Lorelei looks like a Barbie when he saw her last month. I think he fell in love with her at first sight.” Natawa bigla ang parents ni Siege, at pati na rin si Lorelei ay natawa na rin sa narinig. Last month kasi nang pumunta siya sa mansyon nina Siege ay naabutan niya na kasama ng bunsong kapatid ni Siege ang mga classmate nitong lalaki na nasa grade six pa lang. “Who’s that classmate of yours? Bring him to me so I can punch him,” sagot ni Siege sa kapatid na kinaismid naman nito kahit busy sa paglalaro sa phone. “Hmm. Try punching my best friend, and I'll punch you too—even if you're my big brother,” ngising sagot nito. Kaya naman si Siege ay mabilis na lumapit sa kapatid at pabiro nitong sinakal ang kapatid gamit ang mga braso. Hanggang sa naglabanan na sa couch. “Ano ba, ang lilikot niyo,” sita ng kanilang ama na napailing na lang, habang ang Mommy ay napangiti na lang din. Ngunit nasa kalagitnaan sila ng gano'n kulitan at kuwentuhan habang nanonood nang bigla na lang may dumating. “Lorelei.” Napalingon siya bigla sa pagtawag sa kaniyang pangalan. Ang Daddy Cassius niya ang kaniyang nakita na suot pa ang business suit nito. “Gabi na, bakit hindi ka pa umuuwi?” sermon agad nito sa kaniya at binigyan siya ng seryosong tingin. “Talagang hindi ka man lang nagpaalam sa akin na gagala ka pala. Tapos inabot ka na ng gabi, hindi mo pa rin naisip na umuwi?” Sumimangot na siya. “Ayokong umuwi, dito na lang muna ako matutulog kina Tito—” “And why would you sleep here?” he cut her off, stepping closer. Sinenyasan na siya nitong tumayo paghinto sa harap niya. “May sarili kang bahay. Let's go home.” She quickly jumped off the couch, but instead of going to her dad, she ran straight to the other couch where Siege was sitting. “No! I’m not going with you! I’m staying here!” she declared, immediately hiding behind Siege, who instinctively shielded her. “Hayaan mo na ang bata kung gustong makitulog muna rito,” wika ng ama ni Siege habang ang tingin ay nakatutok lang sa TV. “No, kuya. She's my daughter. Ni hindi nga ’to nagpaalam sa akin na aalis pala.” “Kay Siege lang naman sumama, hindi mo na kailangan pang pagalitan ang bata. Baka nalimutan lang magpaalam sa ’yo.” Ngunit imbes na makinig si Cassius sa nakatatandang kapatid ay hinabol pa rin siya nito sa kabilang couch. “Kuya Siege, huwag mo akong ibigay sa kaniya!” “Tito, hayaan mo na lang si Lorelei matulog dito. Bukas ko na lang siya ihahatid,” pilit naman pagharang ni Siege habang nakabukas na ang mga braso. Mabilis na pumunta sa likuran ng couch si Cassius, hanggang sa nakuha na siya nito at nabuhat. Pero agad siyang nakawala at mabilis na tumakbo papunta sa kanila. Kaya naman ang nangyari ay naghabulan na silang dalawa sa loob ng living room. Tumayo na rin si Siege at pilit na hinarangan ang tiyuhin. “Hay naku, para kayong mga paslit,” pag-iling-iling na lang ng ama ni Siege at hinayaan na lang sila magkagulo sa paligid. Ngunit hindi nagtagal ang pagtakbo ni Lorelei at nahuli na siya ng Daddy Cassius niya sa baywang. “Gotcha!” gigil na ngisi nito paglahuli sa kaniya. “Ayoko nga umuwi, Daddy! Ibaba mo ako!” Nagpumiglas naman siya. Ngunit pagkakuha sa kaniya ni Cassius ay diretso na siya nitong pinatong sa kaliwang balikat at binuhat na parang sako ng bigas palabas ng bahay. “Tita! Tito! Kuya Siege! Tyron! Tulungan niyo ako!” she screamed, kicking wildly in the air like a child throwing a tantrum. Ngunit tuluyan na siyang naipasok sa kotse ng Daddy Cassius niya at kinabitan na agad ng seatbelt. “Ayokong sumama sa 'yo, nagtatampo pa rin ako!” pagpalo niya sa braso nito nang nakasimangot pa rin. Napahinto naman si Cassius sa pagkabit ng seatbelt sa kaniya at tiningnan na siya ng seryoso. “Ano ba ang dapat kong gawin para mawala na ’yang pagtatampo mo?” Umismid siya at inirapan ito. “Gusto ko masampal din ang babaeng ’yon!” inis niyang sagot. Cassius let out a surrendered sigh. “Alright, I’ll make sure the inmates in prison slap her for you.” Her eyes widened in surprise. “Totoo ba ’yan?” “Yes, trust me.” He nodded. Lorelei bit her lip, trying to hide the triumphant smile tugging at the corners of her mouth. “Fine. I’ll forgive you once that woman gets slapped.” Cassius chuckled, shaking his head in disbelief. “Hay naku, ikaw talagang bata ka parang pinapahirapan mo na lang ako lagi.” Gigil nitong kinurot muna ang pisngi niya bago pinatakbo na ang kotse paalis. Tanging pagsimangot na lang ang nagawa ni Lorelei at hindi na umimik pa. Namayani na ang katahimikan sa kanila habang tumatakbo ang kotse. Pero makalipas ang ilang sandali ay hindi pa rin siya nakatiis. “I'm hungry na.” “Oh, hindi ka ba pinakain ni Siege sa kanila?” sagot ni Cassius pero nakatutok lang sa pagmamaneho ang tingin. “Pinakain, but I want more,” nguso niyang sagot. “And I want you to cook for me.” Cassius burst into laughter. “Ha! I knew it. You always find ways to torture your poor daddy.” Inabot pa nito ang pisngi niya at muling kinurot-kurot ng mahina. “But fine, tell me... what do you want, my baby girl?” Sumimangot naman siya at pinalo na lang ang kamay nito. “I want pizza. Truffle mushroom, pesto, Margherita, Hawaiian and pepperoni.” “Wow, that's a lot, sweetie!” Muling napahalakhak si Cassius, but this time lumakas na. “One bite from each slice and you're done, right? I know you too well. You just want to punish me.” He laughed again, clearly amused. Mas lalo naman sumimangot si Lorelei at nagdabog bigla sa kinauupuan. “Nagrereklamo ka, huwag na nga lang!” “Sus. Ikaw talaga, halika nga rito.” Muli ay inabot ni Cassius ang pisngi niya at pinanggigilan kahit patuloy ang pagmamaneho. “I swear, if you act like this when you get married, your husband might divorce you right away.” “Problema ba 'yon?” She rolled her eyes. “Eh di maghahanap ako ng iba, ’yong deserve ko.” “And what if they leave you too?” “Then I won't get married at all!” Cassius just smiled. “Tsk. You little brat. I must be the only one who can handle you.” “Whatever.” Napailing-iling na lang si Cassius na may kasamang ngiti. Pagdating nila sa mansyon ay dumiretso sila sa kitchen. Napasimangot na lang si Lorelei nang makita ang agad na pagsuot ng apron ng daddy niya kahit naka-business suit pa ito. Talagang susundin nga nito ang gusto niya kahit wala pang pahinga. Sa isang iglap ay parang naglaho ang pagtatampo niya at napalitan ng awa at konsensya. “Huwag mo na akong ipagluto, Daddy. Busog na po ako.” Napahinto si Cassius nang marinig ang sinabi niya at napalingon na sa kaniya. “Oh, akala ko ba gusto mo ng pizza?” Mahina siyang umiling. “I was just joking, Daddy. I know you’re tired from work. You should rest instead.” For a moment, Cassius just stared at her. Then, a warm smile slowly spread across his lips before turning into a smirk. Without a word, he took off the apron and placed it on the table. Lorelei’s eyes widened in realization. Oh no. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis nang kumaripas ng takbo palabas ng kitchen. Pero dahil mas mabilis tumakbo si Cassius ay naabutan siya nito sa kalagitnaan ng stairs. Tawang-tawa siya nang bigla siya nitong kiniliti sa tagiliran. “Stop, Daddy! Naiihi ako, ano ba!” natatawa niyang saway rito. Tinigil naman nito ang pagkiliti sa kaniya at itinakbo na siya papasok sa kaniyang bedroom. Pagkapasok ay ibinaba na siya ng daddy niya sa kama. Pero agad siyang natigilan at nasurpresa nang makita ang mga nakalagay sa kama. Malaking teddy bear, isang box ng favorite niyang wagashi na napakaganda ng design nang buksan niya, at apat na concert ticket ng favorite banda niya na nakalagay sa loob ng cute na purple envelope. Her heart skipped a beat. She turned to Cassius and pouted. “Daddy…” Cassius smirked, leaning against the doorframe. “Still mad at me, sweetheart?” He chuckled. “Ibigay mo sa mga kaibigan mo ’yang dalawang ticket. Manood kayo. Basta isama mo lang si Siege para may magbabantay sa ’yo.” Napanguso na lang siya at mabilis na bumaba ng kama, diretsong yumakap sa baywang ng kaniyang daddy. “Thank you, daddy. I'm sorry kung napapaaway ako lagi sa school,” nguso na niyang wika at tumingala na rito habang nakayakap sa baywang nito. “Bati na po tayo.” Mahina siyang umiling nang nakanguso. “Hindi na ako galit sa ’yo, Daddy.” Cassius arched a brow. “Oh?” She hesitated for a moment, then pouted again. “Ang totoo kasi niyan, they bullied me. Wala raw kasi akong parents na nagpapakita sa school tuwing may events at meetings. Kasi anak lang daw ako sa labas at kabit ang mommy ko.” Her voice cracked on the last word, and she bit her lip, struggling to hold back her emotions. Nangunot naman ang noo ni Cassius sa narinig. “They bullied you because of that? Nakasimangot siyang tumango. “Yes po, Daddy.” Cassius let out a slow, heavy sigh, then gently cupped her small face in his hands. “Alright. Starting this Monday, ihahatid na kita sa school.” Her eyes widened again. “Talaga? Totoo ba ’yan, Daddy?” “Hmm.” Cassius nodded. Her pout wavered before turning into a guilty smile. “I’m sorry for not telling you where I was earlier, Daddy. And… for being a troublemaker.” Cassius chuckled softly, ginulo-gulo na nito ang buhok niya. “Tsk. I told you, lumaban ka lang kapag may nang-aapi sa ’yo. And don’t forget—I’m always here. I’ve got your back.” Napasandal na lang ang ulo niya sa dibdib nito at mas lalong yumakap sa baywang nito. “I love you, Daddy. You’re the best dad ever!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD