SUMAMA si Lorelei sa pinsan niyang si Siege katulad ng usapan nila na manonood ng movie pagdating ng Saturday.
Akala niya ay didiretso na sila sa sinehan para manood, pero hindi niya inaasahan na dadalhin siya ni Siege sa resort na sinasabi nitong pag-aari ng ama nito.
Ngunit pagdating nila sa resort ay naroon pala ang limang kaibigan na lalaki ni Siege at pare-parehong may kasamang mga babae.
“You, Siege!” Agad silang sinalubong ng mga ito pagkakita sa kanila at napunta agad sa kaniya ang tingin ng mga kaibigan ni Siege. “Oh, ’yan na ba ang girlfriend mo?”
Hindi na napigilan ni Lorelei ang bahagyang matawa sa narinig.
“No, I'm his cousin,” agad niyang sagot sa lalaking nagtanong.
Parang nagulat naman ang mga ito.
“Cousin mo pala?” reaction ng isang lalaking may kaakbay na babaeng hanggang balikat ang buhok. “Bakit siya ang sinama mo? Didn't we all agree this was a double date? Only girlfriends allowed, remember?”
Siege simply chuckled. “Ampon siya ni Tito. Alam niyo naman wala pa akong girlfriend, kaya siya na lang ang sinama ko. Honestly, she's the only one I really wanted to bring.”
Napahinto na ang mga lalaki at nagkatinginan saglit, hanggang sa isa-isa nang sumilay ang mga mapanuksong ngisi sa labi.
“Oh, mukhang gets ko na,” pagtango-tango ng isa.
“Gets na namin.” Nagsikuhan na ang mga ito.
“Damn. That sounds a bit forbidden, huh? Sana lang hindi ka mahirapan, dude,” reaction naman ng isa na nakangisi rin.
Tumaas lang ang kilay ni Lorelei dahil hindi niya ma-gets. Pero hindi niya mapigilan ang mapasimangot sa pagpapakilala sa kaniya ni Siege bilang ampon lang ng tiyuhin nito.
Kailangan pa ba talaga nitong sabihin na ampon lang siya? Nakakaasar lang. Pakiramdam niya tuloy ay parang nagmukha siyang kawawa, para siyang na-bully na naman.
Parang gusto na lang niyang hampasin si Siege sa braso at magtampo rito. Pero dahil kasama nila ang mga kaibigan nito ay hindi niya magawa at mas pinili na lang tiisin ang inis.
Nagpakilala naman sa kaniya isa-isa ang mga kaibigan ni Siege, pati ang girlfriend ng mga ito na mukhang mababait naman.
Walang ibang tao sa beach maliban sa kanila at sa mga staff.
Sa rooftop sila ng hotel pumunta kung saan may swimming pool doon. Ang mga kaibigan ni Siege at ng mga jowa nito ay nag-enjoy nang lumangoy sa swimming pool, kani-kanila nang harutan.
Habang sila naman ni Siege ay nakaupo lang sa sun lounger na nasa tabi ng swimming pool at kasalukuyan na siyang pinapakain ng pagkain na dinala ng mga staff sa kanila.
“Ba't nakasimangot ka?” tanong sa kaniya ni Siege na pinagmamasdan siya habang kumakain ng watermelon slice.
“Kasi parang tinakwil mo 'ko kanina bilang pinsan mo,” simangot niyang sagot. “Talaga bang kailangan mo pang banggitin sa kanila na ampon lang ako ng Tito mo?”
Siege let out a soft chuckle. “Ano ka ba, hindi gano'n ’yon. Of course, I love you. We love you—”
“Pero bakit kailangan mo pang sabihin 'yon sa kanila?”
“Come on, huwag mo na lang pansinin, wala lang 'yon. Look at them, wala naman silang pakialam sa atin.”
Napatingin siya sa mga kaibigan nitong naghaharutan sa swimming pool, parang wala ngang mga pakialam.
Pero naiinis pa rin siya, dahil parang nanliit siya kanina sa salitang ampon lang.
“By the way, you'll be in college next year,” Siege said, trying to change the topic. “I'll finally get to see you every day. I'm sure we'll end up in the same school. What course are you planning to take?”
“I'm not sure yet,” walang gana niyang sagot at dumampot naman ng grapes, sinubo sa kaniyang bibig. “I want to be a lawyer, pero gusto ko rin maging doctor. At the same time, architecture seems interesting too. Pero tingin ko si daddy na lang ang papipiliin ko kung anong gusto niyang kurso para sa akin, since hindi naman ako makapag-decide. Kahit ano okay lang sa akin, basta ang mahalaga ay makatulong ako kay daddy in the future.”
Natawa naman si Siege. “Wow, ang suwerte naman ni Tito at nagkaroon ng isang Lorelei na tutulong sa kaniya in the future.”
“Of course, he's my dad. I owe him everything, so dapat lang tulungan ko siya.”
Napangiti na lang si Siege at pinagmasdan na lang siya nitong kumain.
Makalipas ang ilang sandali, they left the hotel and went for a jet ski ride on the ocean. Nakaangkas siya sa likuran ni Siege, gano'n din ang mga kaibigan nito kasama ang girlfriend ng mga ito na puro nakasuot ng sexy swimsuit. Siya lang ang naka-trouser at blouse dahil ayaw niyang maligo sa dagat.
Huminto ang kanilang jet ski sa isang kweba kung saan hanggang baywang lang ang tubig sa loob. Siege's friends eagerly jumped off their jet skis, dragging their girlfriends along. Lorelei watched in confusion as, without hesitation, the couples began kissing passionately, their bodies pressed against each other in the shallow water.
Parang nagulat si Lorelei sa nasaksihan, gano'n din si Siege na parang hindi inaasahan ang gagawin ng mga kaibigan.
“Uhm, let's just go somewhere else, sweetheart,” aya na lang sa kaniya ni Siege at muli nang pinatakbo ang jet ski.
Hanggang sa huminto sila sa may dagat malayo na sa kweba.
“Dapat kasi girlfriend mo na lang ang sinama mo,” paninisi na niya kay Siege at bahagya pang pinalo ang braso nito.
“Wala akong girlfriend.”
“Eh di maghanap ka.”
“Wala akong mahanap.” Nilingon na siya ni Siege. “Puwede bang ikaw na lang?”
Lorelei's eyes widened in disbelief. “Eww!” ngiwi niyang reaction dahil parang kinilabutan siya bigla. “You're my cousin, paano mo nasasabi ’yan?!”
Siege chuckled. “Come on, alam mong puwede tayo. Liligawan na lang kita.”
“Loko ka, isumbong kita kay daddy!” Naitulak niya ito ng malakas nang hindi sinasadya.
Nahulog naman si Siege sa dagat at natawa na lang.
“Come here, let's swim,” aya na lang nito sa kaniya at hihilahin na sana ang kamay niya pero mabilis niyang iniwas at marahas na umiling dito.
“Ayoko, it's not safe. Natatakot ako, baka mamaya ay may ahas na bigla na lang pumulupot sa katawan ko, o kaya kainin ako ng shark.”
Napahalakhak na lang si Siege at hindi na siya pinilit pa pero pinagsasabuyan naman siya ng dagat.
“Kuya, ano ba! Nababasa ako!” she complained. Pero mas lalo lang siya nitong sinabuyan, hanggang sa gumanti na lang din siya.
Kaya naman pagbalik sa hotel ay basang-basa na siya. At ang masama pa ay hindi siya nakapagdala ng bihisan. Mabuti na lang ay may dala si Siege sa kotse nito at pinahiram na lang sa kaniya, black t-shirt and red basketball shorts. Nagbihis siya sa loob ng hotel room.
“Gosh, kuya, para akong tomboy nito,” reklamo niya nang makita na ang sarili niya sa malaking salamin.
“Paano ka naman maging tomboy, eh napakaganda mo. Kahit ano ang isuot mo, mukha ka pa rin babae sa paningin ko.”
Napasimangot na lang siya at napangiti pa rin.
“Nga pala, Kuya Siege, puwede sa inyo na lang ako makitulog ngayong gabi? Sunday naman bukas, walang pasok.”
Para namang nagliwanag ang mukha ni Siege nang marinig nito ang hiling niya. “Sure. Sasabihan ko na agad si Mommy na ihanda ang room mo.”
AROUND 7 PM nang makauwi na si Cassius sa mansyon. Yakap-yakap niya ang isang malaking purple teddy bear nang bumaba siya sa kaniyang kotse, at bitbit ang isang box na naglalaman ng wagashi, hawak pa ang concert ticket na nakalagay sa loob ng purple envelope.
He looked ridiculous — more like a man hopelessly trying to win back a lover than a father. But for Lorelei, he'd do anything.
Without wasting time, he rushed to his adopted daughter's room and knocked on the door, his heart pounding with excitement.
“Sweetie, it's me your dad. Open the door,” pagtawag niya sa malambing na boses.
Ngunit walang sumagot at hindi rin bumukas ang pinto. Nang buksan niya ay doon niya napag-alaman na wala palang katao-tao sa loob ng bedroom.
He placed the gifts on Lorelei's bed and quickly stepped out, heading straight to the kitchen where the maids were preparing dinner.
“Where's Lorelei?” tanong niya sa mga katulong pagkapasok ng kitchen.
“Umalis po kaninang umaga, sir, at magpahanggang ngayon ay hindi pa bumabalik, kasama ang pamangkin niyong si Sir Siege. Hindi ko po alam kung saan sila pupunta dahil hindi naman sinabi, akala ko nga nakapagpaalam na sa inyo,” magalang na sagot ng mayordoma.
Cassius shut his eyes in frustration and glanced at his wristwatch. It was already 7:36 PM.
He left the kitchen and dialed Siege's number, but the phone just kept ringing. No one answered.
Wala na siyang nagawa kundi bumalik sa kaniyang kotse at mabilis na itong pinatakbo paalis.