Chapter Two

1193 Words
Mabilis ang pangyayari. Wala ako sa sarili habang nakatutok sa dalawang tao na nasa harap ko. “Ms. Vallaje, we need your cooperation. Tell us what really happened a while ago?” sabi ng isang babaeng naka-uniform na pang pulis. Nagulat ako sa kaniya dahilan para matauhan ako. “It was self-defense po. H-he tried to rape me awhile ago. Maaga po akong umuwi sa dorm dahil may tinapos po akong assignment. Akala ko po ang ka roommate ko ang kumatok pero siya pala ’yon. Ma'am, sir, nagsasabi po ako ng totoo.” Nanginginig ako habang binabanggit ang mga salitang binibitawan ko. Nakaupo ako habang binabanggit ang pangyayari kanina. Napagtanto kong nasa guidance office pala ako. Wala akong maalala paano ko na manehong makapaglakad papunta dito. “Are you aware that your professor was being injured?” tanong ulit nito. Tumango naman ako. “I am sure he'll be fine po. I am sure hindi ko siya na patay,” wala sa sarili kong sambit.  “Nawalan siya ng maraming dugo sa katawan. He's situation is critical. But according to the latest update, he's back to normal na amd currently resting,” the officer explained. Hindi ko alam kung ano ang magiging realsyon ko. Ang kumalma ba, o ang manghihinayang. “A-ano po ang mangyayari sa akin?” tanong ko sa nagiimbestiga sa akin. “Kukunin pa namin ang pahayag ng biktima. Walang witness kata mahirap itong i mapatunayan. Sa ngayon, ang Dean ang magdedesisyon kung ano ang gagawin sa’yo,” sagot nito sa akin. Nilingon ko ang taong nasa gilid niya at nang mamukhaan ko ito, napagtanto kong siya ang Dean ng University na ’to. “Ma'am, an—” “Mr. O'Brien was being here for more than five years already. Walang kahit isang sumbong or issue na nambabastos ito ng mga estudyante. Ms. Vallaje, don't think that I am on Mr. O'Brien's side. I am trying to be neutral here. Mr. O'Brien was one of the most respected Prof in this school. Maraming mga estudyante ang napamahal sa kaniya, at sinusunod ang paraan ng pagtuturo niya. He's even a coordinator in most of our school's beauty pageants. Kailan man ay wala akong narinig na binabastos niya. No offense Miss, pero walang-wala ka sa ganda ng mga estudyanteng kasali sa beauty pageants na hina-handle ni Sir,” mahabang tugon ng Dean. Seryoso ba siya sa sinabi niyang neutral ito? No offense daw pero offensive naman talaga ang sinasabi niya. “Ma'am nagsasabi ako ng totoo,” ani ko pero umiling lang ito. “You are supposed to be expelled for harming a teacher. But since you reason out and wala pang pahayag sa side ni Mr. O'Brien, we will just announce your expected punishment soon,” anang dean saka ako pinauwi na mg dorm. Walang buhay akong naglalakad. Gabi na at mukhang late na ako sa session ng tutorial ko. Hindi ako makakatext sa client ko ngayon dahil tiyak hindi ako papansinin ni Jeannie or matatakot ’yon sa akin. Nanghihiram lang kase ako ng cellphone sa kaniya. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Jeannie na nagsusulat. Hindi niya ako binati at mukhang nagmamadali itong magligpit. Pinagmasdan ko lang siyang nagmamadaling humiga sa higaan niya at magtalukbong ng kumot. I just sighed and looked down. ‘What if mag dropout nalang ako? Hindi pa nga tapos ang first semester ay ganito na amg kinahahantungan ko.’ I laid down on my bed and closed my eyes. Nagbabakasakali akong makatulog pero hindi ko magawa. The scenario of the happenings awhile ago keeps popping up on my mind. Nandidiri ako sa sarili ko at the same time ay nagpapasalamat na hindi niya ako tuluyang nagalaw. Iniisip ko kung ano ang mangyayari bukas? Iiwasan din ba ako ng ibang mga kaklase ko? I bubully din ba ako gaya no’ng highschool ako? Babalik ba sa dati ang buhay ko? I overthink. Buong gabi akong nakamulat. Iniisip ko kung kamusta na kaya si lola? Ano na ang nangyayari sa bahay? Umabot ba sa kanila ang balita? Marami ang nagvi-video kanina kaya tiyak ako na may nag-upload ng video at kumalat ito. Siguro nga nasa telebisyon na ’yon eh. Siguro bubugbugin ako ni papa kapag makita niya ako. Wala akong kasalanan. Ako ang biktima pero ako pa ang naging salarin. Bakit lagi nalang itong nangyayari sa akin? Simula pagkabata, walang katapusan ang mga problema ko. Problema sa pamilya, sa pera, sa paaralan, tapos ngayon problemang hindi ko maliwanag. Muntik akong ma-rape pero ako pa ang mukhang kriminal. Ang nag-iisang kaibigan ko dito ay iniiwasan na ako. At ang mga nakakasama ko naman sa klase ay tiyak iiwasan na rin ako. Tiyak hindi aamin sa pagkakamali si Sir. Sino ba namang rapist ang aamin na nang r-rape siya? Nabanggit ni Ma'am na naging coordinator si Sir sa mga beauty pageants sa school namin. Paano ba siya ka sigurado na walang binabastos si Sir sa mga estudyante? Baka hindi lang nagsumbong dahil takot ito? Bakit napakatanga nila? At bakit wala man lang akong magawa? Sa labis na pag-iisip ay di ko namalayang naaubutan na pala ako ng umaga. Bumangon na ako habang tulog pa si Jeannie. Naligo na ako at nag ayos. Nang magising na si Jeannie ay nakaayos na ako. Hindi na ako kumain dahil wala naman akong gana. 6:00 A.M palang ng umaga pero ready na ako. Nakaramdam ako ng antok kaya humiga muna ako saglit since alas-syete pa naman ang pasok. Naka-uniform na ako at nakasapatos na habang nakahiga. Nakapikit ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Jeannie.  “Tapos ka na ata, ba’t di kapa lumabas?” malamig na tono nito. Inaamin kong nasasaktan ako. Pero wala akong maisumbat sa kaniya. Hindi rin naman ako papakinggan nito. At tiyak ako na magiging bangayan lang mauuwi kung makikipag debate pa ako. Ganon naman talaga ang buhay ko. Kaya hindi na ako mag abalang maghanap ng kaibigan. Hindi rin naman tatagal. Lumabas na ako ng kuwarto at nagpapahangin sa labas. May mga tao na pala sa labas at nang makita ako ng mga tao ay nagbubulungan na ang mga ito. Nakayuko lamang ako at hindi na sila pinansin. Habang naglalakad sa walang direksyon habang nag aantay ng bell ay napatalon ako sa gulat ng may isang babaeng biglang umakbay sa akin. Mabigat ang pagka akbay nito na para bang nang iinis. Astigin ang pormahan nito na para bang lesbian ang datingan. Despite of her style of clothing, she has a very pretty face. “Kumalma ka, naranasan ko din ang naranasan mo ngayon. You're even lucky dahil napadugo mo ang ulo ng manyak na yon,” she said. My eyes widened as i heard her. Parang tumalon sa lakas ng tibok ang puso ko. “I was once a victim of rape here. Huwag kanang umasang kakampihan ka ng Dean. They really planned it to ruin your scholarship so that the sponsors from the government that are supposed to be for you, ay mapunta na sa kanila,” she continues. Muntik na akong himatayin sa mga narinig ko. Bakit ba nangyayari sa akin lahat nang ’to? ‘Somebody, please let me out of here.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD