bc

Until We Meet Again

book_age18+
12.1K
FOLLOW
101.5K
READ
pregnant
playboy
independent
brave
confident
drama
tragedy
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Summer Alvarado is just a simple college girl who studies in her school and she grew up with the golden spoon in her mouth. She has everything she wants, she also love party but despite all being rich she's still humble and did not become arrogant. Until she met the playboy in her school and started flirting her and she always reminding herself that she will never give attention to that boy. Summer did not restrain her feelings until she fall for him and they did something in one night. Her life changed when she love the person who she hates the most.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Summer   "Class dismissed."   Halos mabuhayan ang dugo kong tulog nang marinig ko ang salitang 'yon. Kanina pa ako antok na antok at boring ang subject na 'yon.   Mabilis kong ibinalik ang notebook ko na puro drawing sa bag ko, gutom na ako!   "Summer."   Napahinto ako at napabuntong-hininga. Gusto kong umirap pero pinigilan ko ang sarili ko.   "James, please I have no time." Isinabit ko sa balikat ko ang bag at mabilis lumabas ng room.   James is my Ex when I was first year college. I'm not really serious to our relationship back then siya rin naman ganoon. Ang pinag kaiba lang namin hindi ako nagloko at siya naman ay nagloko.   I broke up with him last Summer, pero heto siya at naghahabol pa rin.   "Please Summer talk to me." Hinawakan niya ang siko ko at hinila dahilan nang pagkakahinto ko sa pag lalakad.   "There's nothing to talk about, James! We're done, matagal ng walang tayo so please let me go." Buong lakas kong hinawi ang kamay niya sa braso ko at mas lalo ko ng binilisan ang paglalakad.   Buong Summer niya akong kinukulit at ngayon naman na may pasok ulit heto na naman siya at hindi ako tinitigilan.   "Ex boyfriend drama again?" Si Amber nang magkita kami sa Cafeteria.   "As usual." Umirap ako at inisa-isang nilagay ang pagkain sa lamesa.   "Why don't you talk to him?" Si Morgan, boyfriend ni Amber.   Napabuntong-hininga ako.   "Ilang beses ko siyang pinag-bigyan pero pinipilit niya akong makipag-balikan sa kaniya." Ngumiwi ako at nag simula nang kumain pagkatapos kong tumingin sa kaniya.   Nagkibit nalang sila ng balikat at kumain na lang din.   "Mauna na ako, may klase pa ako e. See you later." Humalik si Morgan sa noo ni Amber.   Halos mapairap ako sa kanilang dalawa habang kumakain. Gosh, konting respeto naman sa mga single na kagaya ko.   "Summer." Tumango sa akin si Morgan bilang pagpapaalam.   Tumango lang din ako at kumaway sa kaniya. Engineering ang course ni Morgan, si Amber naman ay Architecture kagaya ko pero hindi kami classmates, but we are block-mates sa isang subject.   "Are you done with your plates?" Tanong ni Amber.   "Almost, pero konting retouch pa. Sayo ba?"   Nagkibit ng balikat si Amber at ngumiti.   "Morgan helped me." She giggled.   "Wow!" I sarcastically said.   Dumarami na rin ang mga estudyante rito sa Cafeteria dahil lunch na talaga. Nakita ko rin si Astrid na rumarampa sa maraming tao at gandang-ganda na naman sa sarili.   Umiling nalang ako at nag laro sa cellphone ko habang hinihintay matapos si Amber.   "Hi Summer." Hinimas niya ang buhok ko.   Mabilis kong inilayo ang buhok ko sa kaniya at masama ko siyang tinignan. Ngumiti siya sa akin at kumindat.   Nakita kong tapos na si Amber kumain kaya tumayo na ako, nagulat si Amber kaya tumayo na rin siya at mabilis na uminom ng tubig.   "Opss. Where are you going? Mamaya pa klase natin." Hinawakan niya ako sa siko at nilapit niya ang muka niya sa akin.   Halos mag-huramentado ang puso ko dahil sa ginawa niya pero pinigilan ko 'yon. Damon is a playboy and mean guy, he's not my type. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin, ang iba ay nagbu-bulungan at ang iba naman ay mukang kinikilig. Matapang kong tinignan ang mga kulay asul na mata ni Damon, nilapit ko ang muka ko sa kaniya at dahan-dahan kong idinikit ang mga labi ko sa tenga niya.   "Go to hell Damon." Bulong ko sa kaniya.   Nanatili siyang nakatayo at shock sa ginawa ko, tumawa ako at kinindatan ko rin siya. Tumingin ako kay Amber at sumenyas na aalis na kami.   "What did you say to him? I thought you're gonna kiss him!" Tumawa si Amber.   "Oh come on, I'm not gonna do that! Ever." Umirap ako at nagpakawala ng malalim na hininga.   Nagkibit ng balikat si Amber, nagpunta muna kami sa ladies room para makapag-ayos at makapag-toothbrush. Naglagay lang ako ng cheek-tint at sinuklay ang buhok. Si Amber naman ay pumasok sa isang cubicle para maka-ihi.   Naghuhugas ako ng kamay nang may tatlong babaeng pumasok, it's Astrid and her alipores. Dumusog ako para hindi kami mag dikit, napangisi si Astrid at tinignan ako sa salamin.   "So, you're flirting Damon now huh?" She chuckled while putting lipstick on her lips. Ang dalawang kasama niya ay naglalagay na ng make up ngayon.   Umirap nalang ako at kumuha ng alcohol sa bag ko, ayokong patulan ngayon si Astrid. Kung gusto niya magsama pa silang dalawa ni Damon.    "Alam mo kung ako sayo? Itigil mo na. Idadagdag ka lang niya sa mga laruang babae niya." She chuckled again.   Napangisi ako, lumabas na si Amber at mabilis naghugas ng kamay. Tinignan niya ako nang nagtatanong pero umiling nalang ako.   "Kung gusto mo naman Summer, sumama ka samin para makaganti kay Damon." Si Monica, isa sa alipores ni Astrid.   "Hoy Monica, wag mong idamay pinsan ko sa kalandian mo ha." Hinawakan ako ni Amber sa palapulsuhan at hinila ako paalis doon.   Natawa ako, I know Amber. Parehas kaming pranka kaya nagkasundo kami. Tumawa na rin si Amber habang papunta kami sa next subject namin. Bully sila Astrid pero hindi kami nag papatalo ni Amber, minsan lang ay hindi ko talaga sila pinapatulan dahil ayaw kong aksayahin ang oras ko sa kanila.   "Palibhasa kasi pinaasa ni Damon. Buti nga sa kaniya." Bulong ni Amber.   "Well, Damon is Damon." I shrugged.   Damon is a playboy and mean guy, kapag ayaw ka niya hindi na siya nagda-dalawang isip na paalisin ka. Kapag kinulit mo siya, ipapahiya ka niya. Ang dami niyang babae at halos lahat na yata ng girls dito sa school ay gusto siya! Except me.    Hindi ko alam kung anong nakikita nila kay Damon, sige na at gwapo, matalino, mayaman at malakas ang sex appeal niya pero wala pa rin akong makitang dahilan para magustuhan siya. He's a playboy! Kapag nag sawa sa babae papalitan niya agad. He doesn't even care what girls feel for him, wala siyang pakielam kahit masaktan ka pa.  Padabog akong umupo nang makarating kami sa room, may fifteen minutes pa bago dumating ang Prof kaya nagbuklat ako ng libro. Si Amber naman ay nag drawing ng kung ano sa sketch pad niya.   "Summer, the chics nerd."   Pinilit kong wag patulan 'yon. Hindi talaga tumitigil si Damon sa paninira ng araw ko, bakit kaya hindi nalang siya pumunta sa mga babae niya at wag ako ang guluhin?   Napabuntong-hininga ako nang umupo siya sa tabi ko, limang column ang upuan at silang tatlo ang katabi namin ni Amber ngayon. Dati naman ay hindi sila dito umuupo.   "Ano ba amina nga yan!" Pilit kong kinuha ang libro ko sa kaniya.   Tumayo siya at itinaas niya ang kamay niya, matangkad siya kaya hindi ko kayang abutin ang libro sa kamay niya.   "Damon, give it to me!" Hinampas ko siya sa braso pero natawa lang siya.   Pinapanood na kami ng mga chismosa kong kaklase, pero itong si Damon tuwang-tuwa sa ginagawa! Tumingkad ako pero nagpantay lang ang muka naming dalawa at muntik ko pa siyang mahalikan nang nawala ako sa bwelo!   "What do you want Damon?" Inis na sabi ko sa kaniya.   Tinaas niya ang kilay niya, umiling at bahagyang ibinaba ang kamay niya. Nilapit niya ang muka niya sa akin dahilan nang pag atras ko.   "Be my girlfriend Summer." Bulong niya at inilahad sa akin ang libro ko. Bumilis ang pintig ng puso ko, pinangako ko sa sarili ko na hindi ako mafa-fall kay Damon dahil alam kong masasaktan lang ako sa huli.   Nanatili siyang nakatitig sa akin at mukang naghihintay ng isasagot ko.   "Sorry class I'm late.”   Sabay kaming napatingin sa Prof na dumating, binalik ko ang tingin ko kay Damon at sa libro kong hawak niya pa rin ngayon.   Mabilis kong kinuha 'yon sa kaniya at nilapit ko rin ang muka ko sa kaniya.   "You wish!" Inirapan ko siya at padabog na umupo.   Tinignan ko siyang nakatayo pa rin pero nagkibit siya ng balikat at umupo na rin pero bahagyang nilapit ang katawan sa akin.   "Hindi kita titigilan Summer. Mag hihintay ako hangga’t hindi ka napapa-sa akin." Bulong niya dahilan nang pagkabog ng dibdib ko.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
430.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

Stubborn Love

read
98.7K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.2K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.4K
bc

That Night

read
1.1M
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook