Chapter 2

1385 Words
Chapter 02   "I think Damon really likes you." Amber said.   Napahinto ako sa paglalakad, hinarap ko si Amber at tinaasan siya ng kilay.   "Shut up Amber. He just want me to be his one of his girl toy." Umirap ako at nag lakad ulit.   Binuksan ko ang pintuan ng condo namin ni Amber gusto kong matulog ngayon pero birthday ni Kristel at kailangan namin pumunta ni Amber. Kaibigan namin si Kristel pero sa ibang school siya nag-aaral.   "Maybe yes, maybe not? I know Damon hindi siya ang lumalapit sa babae. Siya ang nilalapitan kaya baka gusto ka niya talaga kaya ka niya kinukulit?" Tuloy-tuloy na sabi ni Amber.   "I still don't care Amber." Napabuntong hininga nalang ako.    "Okay then, Susunduin tayo ni Morgan. Hurry up!" Kinindatan ako ni Amber bago pumasok sa kwarto niya.   Napairap nalang ako, third-wheel na naman ang role ko dito. Ano pa nga bang magagawa ko?    Naligo ako at naghanap ng pwedeng isuot.May party si Kristel kasama ang mga magulang at relatives niya. It's a formal party dahil naroon rin ang mga investors ng kompanya nila.   "Summer are you done? Morgan is here." Sigaw ni Amber sa labas ng kwarto ko.   Pinasadahan ko ang suot ko. I'm wearing a maroon velvet dress that hugs my curvy waist. It has a small slit that shows my legs and a deep collar that shows a little cleavage. Well hindi naman ako ganoon ka-flat chested, duh?   I tied my hair up para malinis tignan ang muka ko. Kaonting make up lang at pabango ang nilagay ko.   "Yes I'm done. I'll be there." Sagot ko habang inaayos ang pouch ko.   Paglabas ko ng kwarto ay naabutan kong naglalandian ang dalawa sa sala.   "My gosh! Konting respeto sa single." Parinig ko sa kanilang dalawa.   Parehas silang natawa kaya napairap ako.   "Summer can you take us a picture?" Pabebeng sabi ni Amber at nilahad sa akin ang phone niya.   Napabuntong-hininga nalang ako, kinuhan ko sila ng madaming pictures para hindi na mag-inarte si Amber.   "Thanks Summer you're the best!" Amber giggled.   Inirapan ko lang ulit siya at naunang lumabas. Hindi kalayuan ang venue ng party ni Kristel kaya mabilis lang rin kaming nakarating doon.   Marami akong nakitang kakilala ko at ang iba ay sa ibang school kung saan nag-aaral si Kristel at ang iba naman ay sa school namin.   "Hey Amber, Summer."   Sabay kaming napatingin ni Amber sa nagsalita.    "Natashia?" I chuckled. Hindi ko siya nakilala agad dahil sa tagal din naming hindi nag kita.   Pinsan siya ni Kristel, sa ibang bansa siya nag-aaral at hindi namin alam na umuwi pala siya.   "Grabe I missed you girls!" Yumakap sa amin si Natashia. "Wait, is that?.. your boyfriend?" Tanong niya kay Amber.   "Yep! Morgan, this is Natashia my friend." Pakilala ni Amber.   Tuwang-tuwa si Nathasia at pinakilala niya rin kami sa foreigner niyang boyfriend. Napapaligiran ako ngayon ng mga couple, nakakainis lang ha.   Iniwan ko nalang silang apat doon at hinanap si Kristel para maibigay ang regalo ko. Hindi kalayuan ay naroon siya sa isang table at kinakausap ang mga bisita niya. Nang natanaw niya ako ay dali-daling lumapit sa akin.   "Hottie!" She giggled and hugged me.    "Happy birthday!" Inabot ko sa kaniya ang maliit na box.   "Thank you! Where's Amber?" Tanong niya.   Ngumuso ako para ituro sila Amber, hinila ako papunta roon ni Kristel pero nang natanaw ko si Damon at ang dalawa niyang kaibigan na si Marcus at Klaus ay napaatras ako.   "I'm gonna get some drinks." Bumitiw ako kay Kristel.   Dali-dali akong umalis doon. Alam kong bu-bwisitin na naman ako ni Damon kaya iiwasan ko nalang siya.   Nakapunta agad ako kung saan ang mga inumin. Kumuha ako ng champagne at mabilis na ininom iyon. Mamaya na ako aalis dito habang hindi pa nagsisimula ang party ni Kristel.   Kumuha ako ng tequila at tinikman lahat ng inumin doon. I wanna try the hard one pero may humablot sa kamay ko 'non.   "So are you here to get drunk? Hottie-nerd?" Pinasadahan niya ang suot ko at ininom ang alak na hawak ko kanina.   "Pervert!" Inirapan ko si Damon at nilayasan ko siya roon.   "Hey. Hey. I'm just concerned-" I cut him off.   "I don't need your concern Damon."   Binilisan ko ang lakad ko at napabuntong-hininga nalang ako nang makita ko ang mga kaibigan ni Damon sa table namin.   "Where have you been?" Tanong ni Amber nang makita ako, sumunod ang tingin niya kay Damon na nasa likuran ko. Napangisi si Amber at nag kibit ng balikat kaya napairap akong muli. Nagsimula ang party ni Kristel, may mga announcement pa na para sa kompanya nila at talagang nagulat kami sa isang napaka especial na announcement ng parents niya.   Anim kaming nasa table, nasa harapan ko si Damon at abot ang tingin sa akin kaya lagi ko siyang iniirapan. Halos hindi nga ako makakain dahil naco-conscious ako sa titig niya.   "Omg, I can't wait!" Excited na sabi ni Amber.   Nakisabay ako sa pagpalakpak nila, napangiti ako nang makita kong masayang-masaya si Kristel kasama ang Fiancé niya. Yes, they're engaged now. Tradisyon na nila Kristel ang fixed-marriage at nakakatuwa lang dahil hindi na naging mahirap kay Kristel dahil gusto niya talaga si Brian.   Naging acoustic ang music background at nagsimula nang magsayaw si Kristel at Brian sa gitna. Marami rin tumayo para makisali sa sayawan at karamihan ay mga mag jo-jowa!   Mas lalo lang akong nairita nang tumayo si Morgan at Amber para magsayaw rin.   "Hey guys isayaw niyo pinsan ko. Damon!" Pahabol pa niya bago tuluyang umalis doon.   Napailing nalang ako at nilakihan siya ng mata. Lumalayo nga ako kay Damon tapos ibubugaw niya ako sa isang 'to!?   Tumayo si Marcus at umalis doon, naiwan kaming tatlo ni Damon at Klaus pero kalaunan ay umalis na rin si Klaus. Napairap ako nang mag tama ang mga mata namin ni Damon.   "May I have this dance?" Nakangisi niyang sabi at naglahad ng kamay sa akin.   Nakatayo na siya sa harapan ko ngayon. Tinignan ko ang kamay niyang nasa harapan ko atsaka ibinalik ang tingin ko sa kaniya.  "Oh come on, don't reject me again." He chuckled.   "Fine!" Tumayo ako pero hindi ko kinuha ang kamay niya.   Iniwan ko siya roon at nagpunta na agad sa gitna. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Kung gusto niya akong paglaruan, paglalaruan ko rin siya!   Kinuha ko ang kamay niyang nilahad niya, inilapat niya ang kamay niya sa bewang ko dahilan nang pagtindig ng balahibo ko. Ang isang kamay ko naman ay inilagay ko sa balikat niya.   "What!?" Inis na sabi ko sa kaniya ng makitang nakatitig siya sa akin.   "Do you have any idea how beautiful you are, right now?" He smiled.   I just rolled my eyes and continued dancing.   "Ganyan ba sinasabi mo sa mga babae mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.   Natawa siya at umiling. Napangiti ako sa hindi alam na dahilan.    "Ganyan ba talaga tingin mo sa akin?" He chuckled.   "Why not? Every week you have a new girl!" I scoffed.    "They're just my past time, Summer."   "Oh really? So, do you want me to be one of them?" Hindi ko maiwasang mainis.   "No. I like you, Summer." Seryosong sabi niya at halos manuyo ang lalamunan ko.   Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.   "Guys, picture!" Si Amber nang biglang sumulpot sa harapan namin.   Huminto kami sa pagsasayaw, nanatili ang kamay ni Damon sa bewang ko at tipid akong ngumiti sa camera.   "Gotcha!" Kumindat si Amber at umalis na sa harapan namin kasama si Morgan.   "Pahangin lang ako." Paalam ko at iniwanan si Damon doon.   Tsaka pa lamang ako nakahinga ng maluwag nang nakalabas ako. Dinama ko ang lamig ng hangin.   I don't know what to say, pakiramdam ko pinaglalaruan lang ako ni Damon kagaya ng ginagawa niya sa mga babae niya.   If he wants to play, I'll just go with the flow. Kung mahuhulog man ako sa kaniya ibig sabihin 'non ay talo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD