Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko dahil sa mga halik niya. Gusto kong kumawala sa kaniya pero hindi ko iyong magawa lalo na nang mas lumalim pa ang mga halik niya. Bumaba ang kamay niya sa pwitan ko at halos maramdaman ko ang pag-angat ng palda ko. Halos habulin ko ang hininga ko nang huminto siya sa paghalik. Humawak siya sa leeg ko at inilihis ang buhok na nakarang doon. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin gamit ang namumungay na mata. Ito na naman ako at nagiging marupok sa mga ganitong tingin niya at ang igting ng panga niya. "I'm sorry," bulong ko at tumingkad para mahalikan siya. He effortlessly lifted me up. Ang paldang suot ko ay umangat na sa bewang ko at ang dalawang hita ay ipinalupot sa bewang niya. Napasabunot ako sa kaniya at napapikit nang maramdaman ang halik