Pagdilat ng mga mata ko ay puro puno at makukulay na bermuda ang nakita ko, may isang bundok hindi kalayuan at kung tatanawin mo 'yon ay hindi ito gaanong kataas. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito at hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, ang alam ko lang ay nabaril ako ni Kylie at nawalan ng malay. Nang ilibot ko ang mga mata ko ay wala man lang akong makitang tao. Where's my Family? Where's my Hope and Hunter? Where's Damon and Klaus? Where's Amber and my friends?! Unti-unting bumuhos ang mga luha ko dahil pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako sa lugar na ito. I don't know this place at nasisiguro kong kahit kailan ay hindi pa ako nakapunta rito. Huminga ako ng malalim at nagpasyang tahakin ang bundok na 'yon habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mata ko, nagbabakasak