Amber went to our hometown without informing me. Nalaman ko lang kay Tita dahil nag-tatanong kung ano ang problema ni Amber. I have nothing to say because I didn't know what's happening to their relationship. I always texting her but still no reply from her, hanggang sa enroll-an na namin ng first semester ngayong fourth year ay hindi ko pa rin siya nakikita dahil hindi pa siya bumabalik sa condo. Kasama ko sila Juliana at Karla habang nag-enroll. Si Damon naman ay abala rin sa kaniya kasama ang mga kaibigan niya. Tinanong ko rin siya kung nakita niya ba roon si Morgan pero hindi niya pa raw nakikita. "So, nag-hiwalay na sila?" Tanong ni Karla. "I just can't believe it, okay!? Hindi nga sila mapag-hiwalay noon pa," si Juliana. Hindi ako nag-salita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.