"D-Damon, what's happening?" Tanong ko habang pilit niya akong itinatago sa likuran niya. Hindi ko alam kung ano na naman bang panganib ang lumalapit sa akin o sa amin. Katatapos lang ng problema ko sa Manila pero heto na naman ay may panibago na naman akong haharapin. Wala akong alam sa suspect na nag-ambush kay Daddy at sa bahay namin at tanging sila Tito Bern lang ang nakakaalam nito. Sabi naman nila ay naikulong na ang mga ito at under investigation pa rin kung sino ang nag-utos. Gustuhin ko man silang harapin ay minabuti ko nalang asikasuhin ang Pamilya ko. Mas lalo lang akong ma-stress sa kanila kaya hinayaan kona si Tito. "Damon, if you don't want to be hurt, then give me that girl!" Muling nagsalita ang lalaki at halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang pagkasa ng baril