Chapter 88

2037 Words

"Anong muka 'yan?" Agad na tanong ni Amber nang makita ako. Maaga pa pero narito na sila ni Morgan para palitan kami sa pagbabantay kay Daddy. Napailing ako at ngumiti para ipakitang ayos lang ako kahit sobra-sobra ang epekto sa akin nang sinabi ko kay Damon. "May nakabunggo lang sa akin," sabi ko at nagkbit ng balikat. Kita ko ang pag-irap ng pinsan ko at mukang hindi bumebenta ang palusot ko sa kaniya. Hindi ko nalang siya pinansin at kumaway kay Morgan na may dala rin na kape at pagkain. Ipinagkibit balikat ko nalang ang mga tingin sa akin ni Amber at inunahan na silang pumasok sa kwarto ni Daddy. Gising na si Klaus nang makapasok ako roon at agad ko sa kaniyang inabot ang kape na binili ko. "Why you didn't wake me up? Nasamahan sana kita." Sabi niya pagkatapos kuhanin sa kamay ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD