Yes. I promised to him that I'll never break his heart again but, how about me? How about my feelings? Do I no longer have the right to be hurt? Pinalis ko ang mga luhang umaagos sa pisngi ko. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin at ang alat ng dagat. Humahampas sa paa ko ang alon ng tubig at tanging ilaw lang galing sa mga puno ng buko ang nag-sisilbing liwanag sa kinaroroonan ko. Madami akong tanong sa sarili ko kahit alam kong wala rin akong maisasagot. Ayokong maniwala sa naiisip na lahat nang masasayang araw namin ni Damon ay parte lang ng plano niya. "Summer.." Agad kong pinunasan ang mga mata ko at pinilit na ngumiti nang marinig ko ang boses ni Stephan sa likuran ko. Ayokong makita niyang umiiyak ako dahil sigurado akong mag-aalala lang siya. "Andito ka lang pala. We're