Nakauwi ako ng Manila habang si Damon parin ang nasa isip. Parehas lang kaming nasasaktan sa sitwasyon naming tatlo at ako ang pinaka-nahihirapan dito. Kung pwede lang hindi pumili sa kanilang dalawa para lang hindi sila mawala sa akin ay gagawin ko. Pero alam kong hindi maaari 'yon dahil may anak kami ni Damon at kahit anong gawin ko, hinding-hindi mapuputol ang koneksyon naming dalawa. Pagod akong umuwi sa bahay at naabutan ko kaagad ang dalawang anak ko roon na kasama si Amber. "Oh? Bakit ang bilis mo yata? Bu the way, may sinat si Hope dahil sa sipon." Tanong niya pagkayapos sabihin ang lagay ni Hope. "Damon already fixed the problem," sagot ko at agad lumapit kila Hope at Hunter. Naiiyak ako pero pinigilan ko dahil sigurado akong magtatanong sa akin si Amber kung ano ba ang proble