We stayed there for days and enjoyed our vacation. Bumalik din si Stephan kasama si Juliana kaya mas sumaya ang grupo. "I'm so happy, Summer! Akala ko hindi mo na babalikan si Damon," si Marcus na nasa tabi ko. Natawa ako at umiling. Sumama ako mag-swimming sa kanila dahil may aasikasuhin lang daw si Damon. Mukang nag-sawa rin ang mga pinsan ko na sa dagat maligo dahil sama-sama kami ngayong sa iisang swimming pool. "I just need a break, okay." Sagot ko sa kaniya pagkatapos kumagat ng barbecue. Napatingin kaming parehas kay Klaus na kalulusong lang sa tubig. "Papa Klaus!" Pang-aasar sa kaniya ni Marcus. Lumangoy si Klaus papunta sa amin at halos magulat ako nang umahon siya mismo sa harapan ko. Natawa niya at bahagyang tinulak si Marcus dahilan ng pag-lubog niya. Malulutong na mura