Tulala ako habang kumakain, kaharap si Damon. Ilang oras nalang at makakarating na kami sa Odiongan port. Sobrang tagal ng byahe at hilong-hilo ako sa sobrang lakas ng alon. Hindi naman talaga ako sa barko sasakay pero walang schedule ng ganitong araw papunta sa Tablas Island. Kung hihintayin ko naman 'yon ay baka hindi pa ako makaabot sa birthday nila Hope at Hunter. "I'll go sleep first," paalam ko kay Damon at nauna nang tumayo. Tumikhim siya at agad ding tumayo. Katatapos lang din naman naming kumain at kanina pa niya ako tinititigan kaya halos mabali ang leeg ko para lang makaiwas sa mga tingin niya. Akala tuloy ng mga lalaking naroon ay tinitignan ko sila kaya abot ang ngiti at kaway sa akin. "Let's go sleep then," nagkibit siya ng balikat at humawak sa bewang ko bago ako iginiya