Damon Hindi ako pumasok kinabukasan at mag-hapon akong nag-bantay kay Summer sa Hospital. Nalaman rin ng mga kaibigan niya ang nangyari kaya dumalaw sila ngayon. Nahuli ang mga tauhan ng bumaril kay Summer at pinag-sasalita sila kung sino ay may pakana nito. "Umuwi ka muna, Damon. Mag-pahinga ka," si Marcus na nasa tabi ko. "Yes, you should take a rest. Kami muna mag-babantay kay Summer," si Juliana. Lahat sila ay kinukumbinsi akong umuwi muna dahil wala pa akong tulog. Ang Mommy at Daddy ni Summer ay dumadalaw rin at bumabalik din sa Opisina nila. Isa pa, inaasikaso rin nila ang pag-sasampa ng kaso sa mga kidnappers na 'yon. Iniwan ko ang mga kaibigan doon para makapag-palit ng damit at babalik din doon kaagad. "Damon!" Nagulat ako kay Mama na nasa Condo ko pala. Naalala kong ibinig