Hinihingal pa akong bumaba galing sa kwarto. Agad kong nakita si Damon nang makababa ako galing sa itaas. "Happy birthday!" Sigaw ni Mommy at Daddy na may dalang cake. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko pero pinilit kong ngumiti at itinago ang kabang nararamdaman nang yumakap sa akon si Mommy at Daddy. "Thank you!" I chuckled awkwardly. "You're my forever baby," mahigpit akong niyakap ni Daddy. "Make a wish first!" Sabi ni Mommy at inilapit sa akin lalo ang cake. Pumikit ako at nag-wish bago ko hinipan ang kandila. "Damon, hijo. Maiwan muna namin kayo, ipapahanda ko lang ang almusal." Sunod-sunod na sabi ni Mommy pagkatapos ay hinila na paalis doon si Daddy. Muling kumalabog ang puso ko nang humarap ako sa kaniya. Mas lalo akong nahuhulog sa mga pormahan niyang puting long sle