Iniwan muna namin si Damon at Morgan sa isang table dahil inutusan kaming kausapin at kumustahin ang mga bisita. Para makilala raw kami dahil mag-tatrabaho kami sa kompanya pagka-graduate. Iniwanan lang namin ng maiinom ang dalawa at ayos naman daw sa kanila. "Summer!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. "Adrian?" Lumapit ako dahil hindi ko siya namukaan kaagad. "Yes it's me!" Tumawa siya at agad akong niyakap. Agad akong napatingin sa gawi ni Damon at halos kumalabog ang puso ko nang makita kong nakatingin siya sa akin. Humiwalay ako kay Adrian at awkward na tumawa. Isa siya sa mga nanligaw sa akin noong high school kami pero hindi ko rin pinatagal dahil hindi ko naman siya gusto. Anak siya ng isa sa mga business partner ni Daddy at pinag-bigyan ko lang ng isang beses na date. "How ar