Damon Pumasok ako kinabukasan at ginawa ko lahat ng mga hindi ko nagawang gawain. Pumapasok na si Amber at may may body guard siyang laging nakasunod sa kaniya. Si Summer naman ay may excuse at pinag-tutulungan namin nila Amber ang plates niya para pag-gising niya ay kaonti nalang ang hahabulin niya. Nang weekend ay nanatili ako sa Hospital mag-hapon. Nagulat lang ako nang makitang paparatingbsi Mama. "What are you doing here?" Nag-tatakang tanong ko. Mukang nagulat ito sa tanong ko at bahagyang natawa. Hindi pa siya nakakalapit sa kwarto ni Summer ay agad ko na siyang sinalubong. "Nakakalimutan mo yata na may Ina ka pa, Damon." May halong galit sa boses niya. Napailing nalang ako dahil paulit-ulit niyang sinasabi ito sa akin kahit siya naman ang laging wala at kung saan-saan pumupu