Kinabukasan ay maaga akong nagising. Si Damon ay nanatiling natutulog sa tabi ko habang nakadagan ang mga hita niya sa akin at nakayakap ang isang kamay niya. Hindi ko alam kung anong oras na, basta ang alam ko lang ay umaga na. Dahan-dahan kong tinanggal ang kalahating katawan niyang nakayakap sa akin para hindi siya magising. Nagtapis lang ako ng towel at dumiretsyo sa bathroom para makaligo na. Laking pasasalamat ko nang may heater doon at halos kompleto ang mga gamit na panligo. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa nainom kagabi at para bang ayoko ng magpakita kay Damon dahil sa mga ginawa ko kagabi! Naligo ako roon at doon na rin nagbihis. Nagsuot lang ako ng white tube dress at pinatungan 'yon ng black leather jacket. Puro flat shoes lang din naman dinala ko dahil wala naman ako sa opi