Chapter 3 | Mayabang vs Maarte

1098 Words
Nahihilo na si Patrice dahil sa sunod-sunod na lagok niya ng tequila. Gusto niya lang naman malaman ang pangalan ng binata kaya siya lumapit rito ngunit wala siyang ibang paraan o dahilan para pumunta sa counter bar ng disco dinner. Napasubo tuloy siya sa inuman kahit na nga hindi talaga siya umiinom. Although aminado naman siya na high ang tolerance niya sa alcohol napasama lang yata ng mix niya ng tequila at ng Long Island. "Miss lasing ka na." "Hey! Tricycle driver. Sweet lover. What's your name?" Patrice ask Jordan in a drunken tipsy tone. "Ang lakas uminon hindi naman pala kaya." Bulong ni Jordan sa sarili. Anong problema ng babaeng ito? Imbis na ma turn-off si Jordan naawa siya sa dalaga. Pakiramdam niya ay isa lang siguro ito sa mga kabataang sunod nga sa luho ngunit salat naman sa pagmamahal ng mga magulang. "Hey! Answer me what's your name?" pangungulit ni Patrice sa binata. "Patrice! What are you doing here? And who's that guy?" "Driver sweet lover," sagot ni Patrice sa kaibigang si Ashley. "You've gotta be kidding me, Patrice! Late ka na nga sa usapan at gagawa ka pa rito ng eksena. Jeez! Grow up!" sigaw ni Ashley rito. "Leave me alone!" "Fine! We will leave you alone. Uuwi na kami. Call your dad to pick you up. Bahala ka riyan with your chipipay jacket." "Ano bang problema sa jacket na suot ko?" usal niya sa sarili. Sakto naman sa balingkinitan niyang pigura na tila ba sinadyang magkasya sa pangangatawan niya ang jacket ng binata. Gaano ba kapayatot ang driver sweet lover na 'yon at ang liit ng size ng jacket nito. Bigla na lamang itong nawala matapos siyang insultohin. Hindi niya naman matatawagan ang Daddy niya dahil wala naman ito sa bahay. It's weekend malamang kasama nito ang barkada or tumambay na naman sa lapida ng kakambal niya. Nakalimutan na yatang may anak pa siyang buhay. Nakasama sa mga namatay sa lumubog na barko papuntang Cebu ang kapatid niya. Miss na miss niya na si Patrick. Out of curiosity she took off her jacket at pumunta siya sa restroom para tingnan ang itsura niya. Laking gulat ni Patrice nang makita ang sarili. She looks like a mess. Nagkalat ang mascara at eyeliner sa kaniyang pisngi. Masahol pa sa mangkukulam ang sabog niyang buhok. At ang putla ng kaniyang mukha. Worse she's wearing an old leather jacket. Hindi naman 'yon kalumaan. Nagustohan niya pa nga ang maliit na pusong pula na may letrang "J" sa gitna na ka embroidered sa kuwelyo ng jacket. It was a fashion statement. Walang hiyang driver sweet lover na 'yon kaya pala tawa ng tawa dahil mukha na siyang zombie ay hindi man lang nito sinabi sa kaniya. May araw ka rin sa akin! Magkikita pa rin tayo! People at the bar was staring at her. Tuwang-tuwa naman siya dahil akala niya ay nagagandahan ang mga 'yon sa kaniya. 'Yon pala ay mukha siyang bruhilda. "Pare, salamat, ibalik ko susi mo bago magsara ang bar." "Miss!" Tawag ni Jordan sa dalaga. Hindi na sabog ang kulot nitong buhok. Naka-ponytail na iyon. Pagharap nito sa kaniya ay mas lalo siyang nabighani sa natural na ganda ng dalaga. Wala na itong makeup. Wala na rin ang nagkalat na itim na pintura sa mukha nito. Hindi alam ni Jordan kung paano niya ba e-approach ang dalaga patungkol sa itsura nito na hindi magdaramdam. "Alam ko maganda ako. Puwede mo nang itikom 'yang bibig mo. Baka mapasukan ng bangaw. Baka kumalat ang maggots sa buhay mo pang katawan. Sayang naman ang kagwapohan mo kung maiilibing ka ng buhay." "'Lang 'ya. Marunong ka naman pala mag-salita nang diretso. Eh bakit pa-jejemon ka pa kanina?" "Why do you pakialam ba, huh? Feeling close?" "Jejemon ka ngang talaga. Tara na ihahatid na kita." "Why? Do you alam my bahay?" "Hindi! May google maps 'di ba? Anong silbi ng GPS?" "Oh, too bad. I don't know my address." "Hindi mo alam kung saan ka nakatira?" "No! My car has GPS settings and I don't drive!" "Eh bakit ka nag mamaneho kanina?" "Walang choice. I don't have a driver kasi. It is so importanteng errands I did earlier." Importante kay Patrice ang spa and derma appointments niya. She needs to maintain the beauty that she has. Doon niya kinukuha ang pina pang tustos sa lahat ng luho niya. She's a ramp model and was just recently offered to endorse a product. Wala naman kasing paki-alam ang ama niya o ang mommy niya na panay naman negosyo ang inaatupag kaya napabayaan silang magkapatid. Mas maigi pa nga sigurong sabay nalang silang nawala at hindi na siya sinalba ng kakambal niya. His grandfather recently passed away leaving her as good as an oprhan. Matalino si Jordan pero hindi niya gets ang mga kaartehan ng mga babaeng anak mayaman. Hindi naman siya bobo para hindi maintindihan ang pinagsasabi nang dalaga. "Miss, saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita. Ihahatid na kita dito-sa-puso- ko." "What?" "What? What ka riyan? Daan tayo sa drug store ibibili kita ng cotton buds para naman maintindihan at marinig mo ako. Nang hindi ka na puro — 'ano'?" "Whatever!" Patrice rolled eyes at tinaas ang kaniyang kilay. "I can ride a taxi. Don't waste your time on me." "Sabi mo eh! Miss ibalik mo 'yang jacket ko huh? Mahalaga kasi 'yan sa akin. Bigay pa ng ermats ko." Hinubad ni Patrice ang jacket at inabot niya ito sa binata. "Ayan na jacket mo. Hindi ko na 'yan kailangan." "Anak ng tokwa. May pagkagaga ka rin talaga ano? Tingnan mo nga yang sarili mo? Halos hubo't hubad ka na sa damit mo." "Why you keep staring at what I wear? Wala kang paki alam!" "May pakialam ako dahil ayokong may mga babaeng napapahamak dahil sa sarili nilang katangahan." "You are making insinuate that I'm tanga? Tanga ako sa paningin mo?" "Bakit hindi ba?" "Hindi-ako-tanga! At mas lalong hindi ako gwapong-gwapo-sayo katulad ng iba." First time sa tanang buhay ni Jordan na hindi siya gustohin ng babae. Simula grade school hanggang kolehiyo ay habolin siya ng mga kababaihan dahil sa kaniyang asul ng mga mata. Wala bang epekto ang kaniyang nangungusap na mga mata sa dalaga? "If you said so," he muttered. "What did you say?" "Bingi," he mumbled. "Ang sabi ko ibigay mo na ang address mo at nang maiuwi na kita." "You are what? Iuuwi mo ako?" "Oo. . . sa bahay mo. Bakit? Gusto mo bang iiuwi kita sa buhay ko?" "You've got the nerve! Over my drop-dead-gorgeous body! I will not make uwi in your life!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD