Lakad-takbo ang ginawa ni Patrice papasok sa disco dinner where her old-high school clique waiting for her.
"Patrice! Dumating ka pa. Tapos na kaming kumain. What took you so long? You're never late," wika ni Liza habang tinitigan ang suot niyang jacket.
"Jeez! Where did you get that cheap looking leather jacket? Since when did you wear that kind of clothes?" mapanuri at mapainsultong tanong ni Ashley sa kaniya.
"Why? What's wrong with my jacket?" takang tanong niya sa mga kaibigan.
Hindi na napansin ni Patrice kung ano nga ba itsura ng jacket na suot-suot niya. Nagmamadali na siya kanina kaya 'di niya na pinansin how the jacket looks basta niya na lamang iyon sinuot. Nilalamig na rin siya kanina dahil sa simoy at pagaspas ng malakas na hangin at ulan.
Kung bakit ba kasi ganoong suot ang naisipan niyang suotin. It was blazing hot when she left her house. Sobrang init rin naman sa Q.C. kaya hindi niya inasahang pagdating niya sa Makati ay babayo pala ang malakas ng ulan. She could have checked the weather bago pa man siya nakaisip na lumabas kasama ang mga kaibigan.
"It's called fashion, Ash," sagot niya rito.
"Fashion your ass! You look like wearing a rug. Actually far worse than basahan ang suot mo."
"What's wrong ba sa suot ko? It's fine with me. I think it's fashionable."
"Kaninong treasure baul mo ba 'yan nakalkal Patrice?"
"It's dad's old jacket when he was still binata."
Pagsisinungaling niya sa mga kaibigan. Sana naman ay maniwala na sila dahil mauubusan na siya ng dahilan para makalusot kong bakit 'yon ang suot niyang jacket.
"Have you eaten?" tanong ni Ashley kay Patrice.
"Nope. No worries I'll order when I'm ready. If you gals are ready to go it's fine with me. I'll hang around here for a little bit."
Ang totoo ay nabanas siya sa pinakitang pang kukutya ng mga kaibigan sa suot niya. Is this how they will treat her if she don't wear signature clothes anymore? Kung hindi na ba branded lahat ng gamit niya kaibiganin pa rin kaya siya ng mga ito?
"I'll be right back."
Paalam niya sa mga ito. Napadaan kasi sa paningin niya ang pag-upo ng tricycle driver kanina sa bar ng dinner. Umorder ito ng beer. Is he stalking me? Baka hindi naman Patrice at nagawi lang talaga rito.
"Jordan Vandermeer Dizon! What brings you here? Pare, kumusta na?"
"Uy, pare, kumusta? Ako? Heto SPG pa rin."
"SPG?" takang tanong ng kaibigan nito.
" Sobrang patay gutom. Tomguts parati."
" Jordan, palabiro ka pa rin! Nandito ka pa rin pala. Kailan ka ba babalik sa pagbabarista rito? Naligaw ka yata?"
"May hinatid lang na pasahero malapit rito. Malakas pa ang buhos ng ulan sa labas. Ok's lang naman na tumambay rito 'di ba? Patilain ko
muna ang ulan. Magbabayad naman ako."
"Hindi ba't umalis ka rito dahil kinukuha ka ng lola mong kana?"
"Wala 'yon.’Di ko kayang iwanan si Itay. Okay na ako at kontento na sa kung anong meron ako ngayon."
Rinig ni Patrice ang usapan ng mga ito. Ngunit hindi niya malinaw narinig ang buong pangalan nito. Naglakad si Patrice papunta kung saan nakaupo ang tricycle driver.
"A shot of tequila, please," order ni Patrice sa barista na nangalumbaba sa counter ng bar. Nilagok niya iyon na wala pang isang segundo. Her legs was exposed almost showing her butt cheeks. Naiipit niya ang kaniyang dibdib kay nagmukha iyong malaki sa paningin ng barista. Isa iyong technique na tinuro ni Ashley sa kaniya para kalahati o maging libre ang inuming inorder niya. Tiningnan ang binata na umiwas ng tingin sa kaniya.
"Are you stalking me? Why did you follow me here?"
Tanong ni Patrice sa driver ng tricycle kanina ngunit hindi siya nito pinansin. There's another way na mapansin siya nito. Mag-order siya at mag acting na lasing. Act drunken matapos uminom ng ilang shots.
"Hindi kita sinundan. Bakit sayo ba 'tong bar?"
"No."
"Hindi naman pala. Ikaw itong lumapit sa akin tapos ako ang stalker? Ikaw kanina ka pa. Gwapong driver lang ako ngunit hindi ako stalker at mas lalong hindi ako manggagantso."
"I did not say that. You said that."
"Tamo 'to. Ikaw na 'tong tinulongan. Ikaw pa ang may ganang mamintang. Mga spoiled brats nga naman!"
"What's your problema ba on me? I am not making paki alam naman sa'yo."
"Ayan na naman 'yang kaartehan mong manalita. Puwede ba Tagalog at Ingles lang. 'Wag mong pinaghahalo. Para kang jejemon. Ang ganda mo pa naman."
"What's jejemon?"
"Jejemon? 'Di mo alam? Ano parang—parang ikaw. Para kang alien manalita," ani Jordan sabay tawa rito.
Wala naman talagang nakakatawa maliban sa nakanganga na namang bibig ng dalaga. Kanina pa sila nag-uusap ngunit hindi niya pa rin nakukuha ang pangalan nito. Hindi nadala sa kagwapohan niya ang pagkuha ng numero sa dalaga. Iba ang isang 'to ang hirap kunan ng impormasyon.
"Can I have three more shots, please, and a Long Island iced tea."
Nilagok ni Patrice ng sunod-sunod 'yon. She has high alcohol tolerance as long as she stopped moving. She need to remain still and steady.
Patrice acted tipsy. A guy from nowhere showed up at inakbayan si Patrice. Bigla na lamang siyang inakbayan nito. She doesn’t know who the guy was.
"Hi baby! How you've been?" ask the guy wrapping his forearms on Patrice waist.
"Get off me! I don't know you!" sigaw ni Patrice at pumalag sa pagkakahawak ng lalaki rito.
"Pare, hindi ka naman pala kilala. Bitawan mo siya. s****l harassment ‘yan."
"Angas mo huh! Sino ka ba? Boyfriend ka ba?"
"Hindi!"
"Oh,hindi naman pala. What's your issue dude?" anas ng lalaki.
"Hindi pa ko tapos, pre. 'Wag mong ipulopot 'yang kulobot at gusgosing mong kamay sa kaniya dahil—," isip Jordan. Dahil ano? Tumingin siya sa counter nang makita ang kaibigan na nag mix ng inorder niya na cocktail,"—m-my - ka-mi-ka-ze!"
Handang makipagbasag-ulo si Jordan ngunit dumating naman ang bouncer ng club na tinawag kaagad ng kaibigan ni Jordan. Kinaladkad nito ang lalaki palabas. Parang wala lang naman nangyari sa dalaga . Tila ba sanay na itong nababastos ng mga kalalakihan. Manhid ba ang isang 'to?
"You are so sinungaling! We are not together what 'kami kasi' you are saying, huh?"
"Miss sa susunod magdala ka ng q-tip 'yong cotton buds. Linisan mo 'yang tenga mo. Hindi ka lang pala tulo laway. 'Dami mo ring tutuli.
Hindi ko sinabing tayo. Pero puwede naman. Ligawan mo ko. Tiyak hindi kita sasagotin. Ang sabi ko 'k******e' hindi 'kami kasi'. 'Yong cocktail na inorder ko."
"k******e? Ano bang pinagsasabi ko?" usal ni Jordan sa sarili. Buti na lamang at nakalusot.
Umorder pa ulit ang dalaga ng tequila at halos mangalahati na ang bote ng Jose Cuervo Anejo.
"Miss lakas mo naman tumuma. Balak mo bang magpakalasing?"
"My way of drinking should not concern you," sagot ni Patrice rito.
"Pare, heto na k******e mo. On the house 'yan pare, dalasan mo naman pagdalaw mo rito," wika ng barista na nagabot ng inumin sa binata.
"Salamat. Pare, 'wag mong bigyan ng tequila. Underage pa yata," ani Jordan na nakatingin kay Patrice.
"Why are you making pakialam ba, huh?"
"Ikaw ang arte-arte mo. Bakit ka ba kasi naglalasing? Saka tingnan mo nga 'yang suot mo. Daig mo pa ang nagmumurang kamatis.
Pinagtitinginan ka ng mga kalalakihan rito. Kaya ka nachachansingan. Nasisiyahan ka bang pinagpipiyestahan ng mga mata 'yang katawan mo?"
Gustong-gusto na ni Jordan sagotin si Patrice ng Ingles ngunit hindi niya iyon dapat gawin. He need to remain a mere tricycle driver.
"Why are you meddling some else's business? You are so nakakainis na! Kanina ka pa nakikialam. Sino ka ba huh? Tricycle driver ka lang naman."