THERESA Gabi na nang umuwi ako sa bahay. Tahimik ang buong kabahayan, at wala akong naririnig na kahit anong ingay sa paligid dahil mag-isa lamang ako at wala si Agatha. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Normal na sa akin ang mag-isa, pero ngayon, pakiramdam ko ay nasasakal ako sa katahimikan nang umupo ako sa sofa. Pumikit ako at huminga ng malalim. Naalala ko si Blake. Hindi siya nangungulit sa akin. Walang text message, kaya nagtataka ako kung bakit bigla na lang siyang nanahimik. Kumain lang ako ng tinapay at uminom ng yogurt. Hindi na ako nagluto dahil mag-isa lang naman ako at wala rin akong ganang kumain. Umaga na nang magising ako. Sabado ngayon at walang pasok sa unibersidad, kaya hindi muna ako bumangon. Nakararamdam na naman ako ng pagkahilo, at kasabay nito ay ramdam ko

