THERESA Hindi ko alam kung paano ko naubos ang dinalang lugaw sa akin ni Ate Marilou dahil kanina pa laman ng isipan ko ang sinabi niya. Masarap nga ang luto nilang lugaw, lalo na at mainit pa, kaya nag-order din ako ng isa pa at dinala ko dito sa bahay. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko nakita si Blake. Inaasahan ko na kasi na nangungulit siya dahil kahapon pa siya tumatawag sa akin, pero sinabi kong abala ako, kaya huwag muna niya akong kulitin. Dahil na rin sa pagkawala ni Agatha, kaya kahapon pa ako frustrated. Nasigawan ko pa si Blake nang tumawag siya sa akin at nasagot ko ang tawag niya dahil nangungulit siya. Mukhang nagtatampo tuloy siya dahil hanggang ngayon ay wala na siyang paramdam. *** Lumipas ang dalawang araw. Maraming nangyari sa organisasyon. Naging alerto an

