Pinili kong huwag na lamang pansinin ang ginawa ni Emily. Natural na kasi sa pinsan ko ang pagiging maldita. Hindi na bago sa akin na minsan nitong inismiran ang ilan naming kawaksi noon. "May nakita na ba sa investigation?" Tanong ko na lamang kay Emily para malayo na ang tingin nito kay Manang Susan na naglalakad pabalik sa kusina. "Wala pa nga eh. Hindi malinis ang pagkakagawa ng problemang iyon, pero ang hirap tukuyin kung sino ang may sala. May log book ang mga trabahador sa farm ninyo. Lahat naman ay on time kapag pumapasok at umaalis." "Malay mo naman bumabalik sila after nilang—." "Gaga, maraming nakakalat na surveillance cameras sa buong hacienda. Kung may bumalik man para magnakaw tiyak na makikita sa security room. Isa pa, marami ring rumurondang security guard rito." Napab

