"Magandang umaga, Ma'am Mayumi!" Halos sabay-sabay na pagbati sa akin ng mga trabahador sa taniman ng manga. Tipid akong ngumiti bago tumango. Isinama ako ni Akihiro dito sa manggahan para maintindihan ko ang problemang kinakaharap namin ngayon. Ipinaliwanag niya na sa akin ang lahat. Naintindihan ko naman at kahit papaano'y nagkakaroon na ako ng ideya kung anong marapat na gawin. Pansin ko ngang kakaunti ang naha-harvest nila. Sa one hundred percent na dapat na anihin, sixty lamang ang nakukuha. Saan napupunta ang kakulangang forty? Dalawa lang naman ang maaaring sagot. Maaaring nagkaroon ng peste at pinuntirya ang aming mga prutas. Pero tanging sa manggahan lamang iyon nangyari. At iyon ay isang bagay na kahina-hinala. Kaya maliit ang tiyansang iyon nga ang sagot. Kaya wala kaming pagpi

