"Good morning, Sir, Ma'am." Pagbati sa amin ng guwardiya sa isang restaurant na pinasukan namin ni Akihiro. Tumango lamang kami rito bago naupo sa dulong bahagi ng restaurant. "May napili ka na ba?" Tanong niya sa akin nang matapos kong pasadahan ng tingin ang menu. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Bagsak ang balikat na tiningnan ko si Akihiro. Nasa menu na hawak niya siya nakatingin. Tumikhim ako dahilan para malipat sa akin ang kaniyang atensiyon. "What?" He asked. "Wala ka bang mapili?" "I don't understand." Seryosong sabi ko. "You don't understand what?" Tuluyan niya nang binitiwan ang hawak. "Paanong sila ang lalapit sa atin? Hindi ba iyon mapanganib?" Matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Akihiro. Saglit niyang tinawag ang waiter para um-order. Hindi niya na ako

